21

511 12 2
                                    

Ramdam ko ang pagkakabado ni Gio na katabi ko ngayon sa hapag kainan kasama nila Kuya at Papa. Isang linggo ang lumipas matapos ko siyang sagutin sa harap nila Papa at ngayon ang araw na ipinangako niya kina Kuya na pormal siyang magpapakilala bilang nobyo ko. Hihingi din siya ng paumanhin na hindi siya nakapagsabi kaagad na aakyat ng ligaw na dapat ito ang una niyang ginawa.

Naalala ko pa kung paano siya nababalisa tuwing nababanggit ko ito kapag nagkakasama kami madalas kapag nag-aaya siyang magdate kami pagkatapos ng klase o kaya kapag nagkakasabay ang free time niya sa lunch time ko.

"You are doing that again." puna ko habang umiinom ng iced tea na inorder ko.

"Doing what?" pagpapatay niya ng malisya at kinunutan ko naman siya ng noo.

"Ninenerbyos ka sa mangyayari sa Friday, hindi ba?" tanong ko at umiwas naman siya ng tingin sa akin.

Ngumiti ako at inabot ang kamay niya na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Napatingin siya dito at ipinagkonekta ko naman ang mga kamay naming dalawa upang maramdaman niyang dinadamayan ko siya sa kung anong nararamdaman niya.

"Ako rin naman kinakabahan. Kahit naman nakapagpaalam ka na nung nakaraang araw tungkol sa ginawa mo ay nag-aalala parin ako sa maaaring mangyari." sabi ko.

"Sigurado ka bang magugustuhan nila ako?" bakas sa tono niya ang pag-aalinlangan.

Kinuha ko pa ang isa niyang kamay at ikinulong ito ng aking mga kamay. I leaned forward and kissed his knuckles. I smiled warmly at him and he returned it by tightening his hold on my hands.

"Edi sana hindi na sumama sayo sina Papa at sina Kuya kung hindi pabor ang mga 'yon. Isipin mo nalang na parang bibisita ka lang sa bahay." payo ko at marahan naman siyang tumango.

Ngunit tila nakalimutan niya ang sinabi ko dahil sa ramdam kong pagtambol niya ng mga daliri niya sa binti niya. Inabot ko ang mga kamay niya at hinawakan ito sa ilalim ng mesa. Napukaw ko naman ang atensyon niya kaya bahagya akong ngumiti upang pakalmahin siya. 

"Kailan ka pa nagkaroon ng pagtingin dito kay Ina?" unang tanong ni Kuya Gali na akala mo kung sinong imbestigador ang tono.

Marahan ko siyang sinipa at matalim naman niya akong tiningnan pero bakas sa mga mata nito ang pagkapilyo. Mukhang pagtitripan nila si Gio ngayong gabi kaya napailing na lang ako dahil alam ko namang hindi ko sila mapipigilan.

"Sa totoo po niyan, Kuya Gali." naputol ang pagsasalita ni Gio ng sumabat si Kuya Gael.

"Kapatid ka ba namin para tawagin mong Kuya si Gali?" sinamaan ko ng tingin si Kuya Gael dahil ilang beses ko ng narinig ang kataga niya kapag may nagbabalak na manligaw sa akin.

"Ah pasensya na po." bahagya itong yumuko at saglit na pinakalma ang sarili bago sagutin ang tanong ni Kuya Gali. "Sa totoo po niyan, Sir ay hindi ko po alam kung kailan. Basta ang alam ko lang po ay nung una kong lubusan na nakilala si Ina ay alam ko pong nakahanap na ako ng katapat ko at hindi ko po ibig na sayangin ang mga pagkakataon kaya nagbakasali po akong manligaw sa kaniya ng mahigit 2 buwan."

Napansin ko naman ang proud na ngiti ni Papa na animoy nanalo ang manok niya sa isang patimpalak. Nang dumapo ang tingin nito sa akin ay agad itong naglaho at nagseryoso.

"Alam niyo pinagtititripan niyo nalang si Gio. Umayos nga kayo." putol ko sa akting nila.

"Ano ba naman yan, Ina. Naging jowa mo lang 'tong utol ko ay naging KJ ka na." reklamo ni Kuya Gali at isinubo na lang ang pizza na dinala ni Gio upang makain namin ngayong hapunan.

"Para kasi kayong mga sira. Isang linggong kinakabahan 'tong si Gio dahil dito tapos ganito, masasapak kita minsan Kuya Gali." banta ko at binelatan lang ako nito na parang bata.

Enchanted (Montenegro Series #5)Where stories live. Discover now