04

642 12 0
                                    

Pagkalabas namin ng classroom ni Lilliana para sa huling klase namin para sa araw na ito ay agad niya akong hinila papunta sa direksyon ng field kung saan namamalagi ang mga estudyante kapag wala pa silang balak umuwi. Kung hindi lang sunod-sunod ang klase namin ngayong araw ay kanina niya pa ako kinulit para ikwento sa kanya kung ano ang sinasabi ng dati niyang manliligaw.

"So, spill it na." saad niya pagkaupong-pagkaupo namin sa isang bakanteng gazebo.

"Pumunta ako sa basketball court ng subdivision namin nung weekend dahil lagi ko namang ginagawa na magbasketball as a way of exercising. Tapos nandon siya at ganon din ang gagawin kaya nagpustahan kami 1v1. Nanalo ako." kwento ko at itinabingi niya saglit ang ulo niya.

"He is the best of our batch in that sports. Probably mas magaling pa sa higher batch namin noon dahil nag-champion ang batch namin sa intemurals." 

"He is probably not good enough dahil natalo ko siya. Atsaka madaling basahin ang galaw niya kung pag-aaralan lang ng todo ng mga kalaban niya ang mga ito." 

"How'd you learn how to play? It is amazing for a woman like you. Do not get me wrong." 

Umiling naman ako sa hindi makapaniwlaang saad niya.

"Having three older brothers will do that to you." 

"I want to meet them." hopeful na saad niya.

"Sino? Sina Kuya?" 

"Hmm, wala akong kapatid but it seems like you are very fond of them. Gusto ko silang makilala, how about today?"

"Ngayon?"

Tinaasan niya naman ako ng kilay dahil sa pangalawang beses kong pag-ulit ng sinasabi ko.

"Seryoso ka ba? Hindi ko kasi alam kung nandoon na sa bahay sina Kuya. Kuya Goyo, yung pinakamatanda samin, baka hindi mo mameet dahil gabing gabi na umuuwi yun." paliwanag ko.

"It's fine. It's also my excuse to not go home early. Medyo suffocating na rin kasi sa bahay dahil walang tao. My parents is out of town, apparently." 

"Sigurado ka?"

"Yes, Fiona. I am sure. Let's go!" sabay tayo niya sa kinatatayuan niya.

Inilahad niya ang kanyang kamay at nag-aalangan man ako ay tinanggap ko naman ito. Hanggang sa makarating kami sa SUV na palaging nagsusundo sa kanya ay nakahawak ang kamay naming dalawa.

Tumigil ang sasakyan nila Lilliana sa harap ng gate namin at napansin ko naman na nakabukas ang front door namin hudyat na may tao na doon. Inisip ko kung sino ito pero hindi na ako nabigyan ng pagkakataon dahil binuksan na ni Lilliana ang pintuan ng sasakyan nila.

Sabay kaming bumaba at agad ko naman pinagbuksan siya ng gate. Naglalakad kami patungo sa front door ng salubungin kami ni Kuya Gael na nakakunot ang noo. Unang dumapo ang tingin niya sa akin bago sa kasama ko at agad nawala ang pagkakunot ng noo niya.

"Ah, Kuya, si Lilliana, kaibigan ko. Lilliana, si Kuya Gael, pangalawa sa aming magkakapatid." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Inilahad ni Lilliana ang mga kamay niya at nakita ko naman kung gaano kalawak ang ngiti na nakaplaster sa mukha niya. She is acting giddy beside me kahit na ako lang ang nakakapansin nito. Napailing ako ng mapagtanto kong nagagwapuhan siya kay Kuya Gael. 

Marami akong kilala na ganito ang asta kapag may nakikita silang kaaya-aya sa mata nila. I suddenly wonder if may ganong pagkakataon din ako. Probably meron pero hindi sa tao. Hindi ko nga alam kung may nagustuhan ba ako sa buong buhay ko eh.

"Hello po! Nice meeting you po!" saad ni Lilliana ng tanggapin ni Kuya ang nakalahad niyang kamay.

"Hmm, nice meeting you too. Hindi ko alam na may bisita ka, Ina." 

Enchanted (Montenegro Series #5)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz