16

590 13 5
                                    

Parang nagkaroon ng maliit na salo-salo sa bahay dahil kahit si Papa ay natuwa ng malaman na nakauwi na si Aiden galing sa ibang bansa. Kababata ko si Aiden sa dati naming tirahan noon at malapit na kaibigan ng pamilya namin ang pamilya nila. Nagkaroon ng offer sa ibang bansa ang Papa niya kaya nagpasya ang pamilya nila na mag-migrate doon upang magkaroon ng magandang buhay. Walong taon ata ako nung umalis sila ng Pinas upang doon na manirahan. 

Aiden is your typical boy next door. Naalala ko nung bata kami ay halos kagiliwan siya ng mga teacher namin dahil sa puti ng kutis nito, mapula-pulang pisngi at halos medyo chubby na pisngi. But now, siguro dahil sa naging binata na ay nagkaroon na ng alam sa pangangalaga ng katawan kaya nasabi ko na isa siya sa mga lalaki na alam mong isang beses sa punto ng buhay mo ay magkakagusto ka.

Idagdag mo pa diyan na medyo prim and proper na pananamit niya dahil galing sa medyo may sinasabi sa buhay na pamilya. Matangkad din ito kaya mas lalong dumepina ang pagkaaliwalas at gwapo ng buong pagkatao niya. I cannot deny that I am a bit shocked earlier of how much he has changed.

"Dapat sinabi mo man lang sa amin na bibisita ka, Aiden. Nakapaghanda sana kami." saad ni Papa habang inaabot ang bowl na may laman na ulam namin para ngayong hapunan.

"Biglaan lang din po, Tito. Kahapon ko lang po ako nagkaroon ng communication sa inyo kaya minabuti ko na rin pong ilihim yung pagbisita ko." sagot nito.

"Kahit na, magpapahanda sana si Papa. Dapat ako na lang ang kinontak mo hindi yang si Kuya Gali. Buti napatikom mo ang bibig niyan." asar ko at inambahan naman ako ni Kuya Gali na sasapakin.

"Edi hindi na kayo masosorpresa. That's the point of not telling, Ina."

"Kaya nga. Epal yan si Ina, Aiden. Naalala ko pa na ang uhugin pa ng isang 'to noon. Ngayon, mas gwapo pa sa akin." napailing na lang ako sa sinabi ni Kuya Gali.

"Akay akay pa niya noon si Ina nung nadapa dun sa kanto natin tapos sabay pa silang umiiyak." dagdag ni Kuya Goyo.

"Kuya." saway ko at napayuko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Aiden sa tabi ko kaya saglit ko siyang sinamaan ng tingin na hindi niya naman ako pinansin. Isa yun sa mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko dahil hinahabol ko siya noon dahil nga may crush ako sa kanya noon. Hindi ko nakita ang ramp kaya napatid ako at tumama ang tuhod ko doon. 

"Naalala ko din na crush ka nito ni Ina noon." saktong banggit ni Kuya Gali.

"Kuya!" nahihiyang saad ko.

"Bakit hindi ba? Alam ko umiyak ka noong may kasamang babae na kaklase 'tong si Aiden noon kahit uhugin naman 'to." asar ulit ni Kuya Gali.

"Alam mo, ikaw, kahit kailan ka talaga." bulong ko at binelatan niya lang ako.

Inabot naman sa akin ni Kuya Gael ang lalagyanan ng ulam dahil nasa banda niya ito ng abutin ko ito habang sinasamaan ko ng tingin si Kuya Gali.

"I remember that." saad ni Aiden sabay tingin sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at sinimangutan. He put his free hand on top of my head at ginulo ang buhok ko. Tinampal ko naman ang kamay niya kaya inalis niya ito kaagad.

"Pero iba na gusto ni bunso ngayon eh." napatingin naman ako kay Kuya Gael na ngayon lang nagsalita kahit na kanina pa ako inaasar ni Kuya Gali.

The atmosphere slightly silenced because of what Kuya Gael said. Nakakagulat naman kasi ang sinabi niya na kahit si Kuya Gali ay hindi inaasahan ito. He slightly looked at me bago nagpatuloy kumain. 

"Kung ano-ano sinasabi mo, Kuya." basag ko sa katahimikan na gumana naman dahil nag-simulang mang-usisa si Kuya Gali kay Kuya Gael.

Saglit akong kinabahan dahil sa sinabi niya dahil alam kong sa kanilang tatlo si Kuya Gael ang protective sa akin. Inabot ko ang baso ko ng tubig at agad na uminom doon ng magtanong si Kuya Gali tungkol dito. Hindi naman siya sinagot ni Kuya Gael hanggang sa ibahin na niya mismo ang topic.

Enchanted (Montenegro Series #5)Where stories live. Discover now