14

549 12 0
                                    

"Magpapasuyo ako."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya habang siya ay nagpatuloy sa pagkain niya ng burger na inorder niya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at kung hindi ko pa iniiwas ang tingin ko sa kanya ay baka mawirduhan na siya sa akin. 

"Ang dami mong alam." pagdidismiss ko ng topic at naramdaman ko siyang nilingon ako.

"Anong oras pasok mo bukas?" saad niya.

"As usual, 7AM." 

Tumango tango siya at sumandal sa sandalan ng monobloc chair kinauupuan niya. Kinuha ko ang inumin at nilingon siya dahil ramdam ko ang tingin niya. Ipinatong niya ang kamay niya sa likod ng upuan ko at tinaasan ko naman siya ng kilay. Mukha kasi siyang may iniisip sa itsura niya kaya hindi ko maisipang hindi maging curious.

"Anong nasa isip mo?"

"My classes starts at 9AM tomorrow." pagbibigay-alam niya.

"Okay." I dragged out at sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

"Susunduin kita bukas."

"Bakit?" nakakunot-noong saad ko.

"I just want to."

True enough, 6:30 palang ng umaga ay nasa kusina na siya namin at tinutulungan si Papa na maghanda ng almusal namin. Dressed in his engineering uniform, a dashing looking Gio smoothly placing our breakfast on our dining table. Pinigilan ko ang sarili ko na mamangha ng sobra at nagpasya ng maglakad papasok ng kusina namin.

"Good morning, bunso." bati ni Papa sa akin ng umangat ang atensyon niya galing sa pagluluto.

"Good morning po!" bati ko.

"Tulungan mo si Gio na ihanda ito sa lamesa natin. Baba na mamaya ang mga Kuya mo at alam mo naman ang mga iyon. Lalo na si Kuya Goyo mo kailangang pumasok ng maaga ng isang yon." utos ni Papa at agad ko namang sinunod ito.

Sinalubong ko ang may nakakalokong ngiti na si Gio. Kinuha niya sa akin ang ibang platong dala ko at sabay kaming pumunta sa dining table upang ayusin ang pag-set ng dining table.

"Ang aga mo." puna ko.

"Sabi ko sayo kahapon, susunduin kita diba. Seryoso ako don, Ina." 

"I thought you weren't." amin ko.

"Well, you thought wrong." lapit at bulong niya sa akin.

"Hoy!" 

Napatalon naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa sumuway sa aming dalawa. Nilingon ko kaagad ang pinanggalingan ng boses at medyo nakaluwag sa kaba ng makitang si Kuya Gali lang ito. Mas kakabahan at matatakot ako ng sobra kapag si Kuya Gael ang makikita kong sumuway sa amin.

"Ang aga aga, Kuya Gali. Ang ingay-ingay mo." suway ko pabalik sa kanya at lumayo ng kaunti kay Gio kahit na kinakabahan parin ako.

Iniwas ko ang tingin ko ng matalim niya akong tingnan at lumipat ang tingin niya kay Gio. 

"Hmm, ang aga mo yata dito Gio." pang-uusisa ni Kuya Gali.

"Ah, opo, Kuya. Nasabi ko kasi dito kay Ina na magsasabay kami ngayon. Hindi niya ata nasabi sa inyo." sabay mahinang bangga niya sa balikat ko.

Nilingon ko siya at nilakihan ng mata. Idadamay pa ako ng lalaking ito sa pang-uusisa ni Kuya. Sana lang ay tumigil na siya bago pa dumating si Kuya Gael at mas lalo pa kaming gisahin.

"Nakalimutan ko sabihin. Hindi ko naman alam na seryoso pala siya don, Kuya. Atsaka okay na rin yun para hindi narin masayangan ng gas si Kuya Gael." saad ko.

Enchanted (Montenegro Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon