11

566 15 1
                                    

Nagmadali akong itali ang buhok ko habang kumukuha ng damit na gagamitin ko pamalit pagtapos ng laro. Sumali kasi kami nina Kuya Gali at Gael sa paliga dito sa subdivision namin at kasama namin sa team ang ilang kaibigan ni Gio at siya rin mismo sa team. Nung una pa nga ay hindi kami pinayagan na sumali ako dahil "men's" basketball daw ito, ngunit hinamon ng mga mokong kuya ang homeowner association president ng subdivision na ito na kapag nanalo ang team namin ay kailangan may dagdag na money prize ang simpleng trophy na ibibigay lang dapat nila.

Nakipagpustahan naman pabalik ang presidente dito sa subdivision kaya naisali ako sa team nila Kuya. Ngayon pangatlong laro na namin at wala pang talo ang team namin kaya medyo naka-busangot ang mukha ng presidente ng subdivision namin kapag kami ang nakikipaglaban sa court.

"Ano? Nagpapaganda ka na naman diyan?" rinig kong tawag sa akin ni Kuya Gali sa baba.

Kung hindi ako nagmamadali ngayon ay baka sinagot ko na siya, kaya imbes na pahabain pa anng diskusyon namin ay inirapan ko na lamang siya kahit hindi niya ako nakikita. Inayos ko muli sa harapan ng salamin ang suot ko bago ko napagpasyahang bumaba na.

Pagbaba ko ay nandon na ang mga teammates namin kasama si Gio na pinagsisilbihan ni Papa. I averted my gaze away from Gio and make my way to Papa to greet him good morning.

"Oh, tapos ka na pala. Kumain ka muna, bunso. Mahirap maglaro kapag walang laman ang tiyan." saad niya sa akin at tumango naman ako.

"Dapat hindi ka na nag-abala pa sa mga yan, Pa." saad ko.

"Alam niyo, Tito. Ang sama talaga ng ugali ng anak niyo." rinig kong reklamo ni Gio.

"Ilang beses nakayong kumakain dito sa amin. Wala ba kayong mga bahay?" 

Sabay taas ko ng kilay sa kanya na hindi naman niya pinansin dahil alam kong bibwisitin na naman niya ako ngayong araw. Like he always does. As much as it annoys me, it also makes me feel weird things na alam ko kung ano kaso hindi ko lang masyadong pinapansin. Lilliana also pointed that out to me a couple of days before the 1st semester ends.

"Nako ah, sa sobrang close niyo, aakalain na nanliligaw sayo si Gio." sabi niya habang nasa isang restaurant kami malapit sa campus.

"Bakit naman?"

"Both of your actions can be misunderstood. Ilang beses din kayo magkasama after ng trip. I know that some of his quote and quote fangirls is formulating something in their minds." sabay subo niya ng leche flan na inorder niya for dessert.

"Well, problema na nila yun kung may ganon silang pag-iisip." 

Tumango siya at nanahimik ng saglit bago ako tiningnan muli. She seems hesitant at first but decided to ask me about what is bothering her.

"Eto tanong pangkaibigan lang ah. Please don't take it as an accusation. Wala ka bang nararamdaman kay Gio?"

I was about to say my answer to her question but I hesitated. Hindi ko naman kasi maikakaila na minsan kapag magkasama kami at may ginagawa siyang mga kilos na dapat ay hindi ko nilalagyan ng kahulugan pero hindi ko magawa dahil alam kong kahit ang ibang babae ay makakaramdam ng kahit konting emosyon kapag naranasan nila ang ganon. I haven't been thinking about what it is even though I know kung ano yun.

"Meron no?" she probed at iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

Pinagtuunan ko ng pansin ang gelato na inorder ko at sinubo ito para hindi siya makakuha ng sagot sa akin.

"I am happy for you but I know Gio. Maybe medyo umayos na siya ngayon, but still you need to be careful, Ina." payo ni Yana sa akin at tumango na lang ako.

Nagulat ako ng batuhin ako ng tissue ni Gio sa mukha kaya ginantihan ko siya pabalik dahil sa ginawa niya.

"Alam mo ang epal mo. Dapat hindi ka pinapayagan na pumunta dito eh." sabi ko habang pumupunta sa hapagkainan namin kung saan nakaupo din ang ilang teammates namin.

Enchanted (Montenegro Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon