20

558 9 2
                                    

Nakatingala ako sa kisame ng aking kwarto habang iniisip ang katagang sinabi sa akin ni Gio nung ihatid niya ako isang araw galing sa birthday ng kanyang nakababatang kapatid. Ramdam ko sa puntong iyon ang mabilis na pagtibok ng puso ko at kung paano ako tumagal sa labas ng gate namin na kung hindi pa ako tinawag ni Kuya Gael ay hindi pa ako makakapasok sa sobrang gulat ko sa sinabi niya.

Ilang araw kaming hindi nagkikita dahil naging busy ako sa pag-aaral ko at naging busy naman siya sa sunod sunod na laro nila. Malapit na rin kasi matapos ang basketball season. Pasok ang university namin sa semi-finals kaya mas naging puspusan ang pag-ensayo nila. 

Medyo humupa ang mga gawain namin ngayong week kaya ngayon ko lang din pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya. Hindi naman niya ito ipinaalala sa akin kahit na minsan ay nagkakasabay kami sa pagkain ng tanghalian. Sumasagi ito sa isipan ko kapag magkasama kami pero dahil hindi niya ito brinibring up ay iniisip ko nalang na baka medyo may tama pa siya ng ihatid niya ako noon.

"Ina, may bisita ka." rinig kong sigaw ni Kuya Gali sa baba. 

Bumangon ako at saglit na inayos ang sarili ko para puntahan ang kung sino mang sinasabi nilang bisita ko. Nakita ko naman ang isang babae na nakasuot ng pink na dress at awkward na tinitingnan ang ceiling namin. Napangiti naman ako at tuluyan ng bumaba upang salubungin ang kaibigan.

"At ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" bungad na saad ko at agad naman itong lumapit sa akin.

"Hindi mo pa nakikita ang mga messages sa GC natin?" takang tanong niya.

"Hindi pa. Bakit anong meron?" 

Ikinawit niya ang kamay niya sa braso ko at hinila na ako pataas para makapunta sa pinanggalingan ko kanina. Pagkasara niya ng pinto ay agad itong umupo sa bean bag na nandito sa kwarto ko at bumuntong hininga.

"Nalalapit na ang annual fair sa school natin at tayong dalawa ang naatasan sa isang booth. Alam kong hindi ka nagbubukas ng cellphone sa umaga kaya kinuha na kita bilang kagrupo ko." kwento niya at tumango naman ako.

"Nawala sa isip ko ang fair na 'yan. Ano ang gagawin natin?" seryosong tanong ko.

Buong umagang iyon ay naubos lang namin ni Yana sa pag-iisip ng mga idea at sa pag-gawa ng presentation dahil kailangan namin itong ipresent sa aming homeroom block upang makahikayat ng ilang mga tutulong sa amin sa gagawin naming booth. Napahiga ako sa kama ko ng matapos ko ang huling slide namin at bumuntong hininga.

"May nakapagsabi na ba sayo ng mahal ka niya?" open up ko kay Yana na alam kong nakapukaw ng atensyon niya dahil sa pagtabi nito sa akin.

"Gio told you he loves you?" tumango naman ako at hindi napigilang ngumiti ng impit siyang tumili.

"Kailan?" tanong niya muli.

"Hinatid niya ako dito pagkatapos nung birthday ni Isla tapos sinabi niya iyon." kwento ko.

"I can't believe that I am actually seeing Gio as someone who confesses his love for a girl first. Bakit parang problemado ka?" puna niya sa ipinapakita kong emosyon ngayon.

"I love him as well." amin ko at ngumiti naman si Yana sa akin. "But I am scared to admit it to him dahil hindi niya na brining up ang nangyari nung gabing yun upang pag-usapan naming dalawa."

Tumango tango naman si Yana at saglit na nanahimik na para bang nag-iisip ng maaari niyang sabihin sa akin. Blanko ang utak ko ngayon kaya tahimik ko ring hinihintay ang sasabihin ni Yana sa akin.

"Maybe he is afraid too. Hindi niya rin alam kung paano i-oopen sayo ang topic sa nangyari dahil natatakot siya sa magiging tugon mo. This is a first for him, as far as I know him. Pero ang masasabi ko lang ay walang magagawa ang pagiging takot niyo sa mga ganitong bagay. You should talk it out." payo niya at tumango naman ako.

Enchanted (Montenegro Series #5)Место, где живут истории. Откройте их для себя