17

620 12 3
                                    

Tahimik akong nakasundo sa kanya habang papunta sa basketball court namin dito sa subdivision. Ang tanging ingay lang na maririnig mo ay ang volume ng mga TV sa mga bahay na nadadaanan namin, ang paglalakad naming dalawa, ang mahinang huni ng mga kaliglig at ang talbog ng bola dahil sa pagdidribble ni Gio. Nang matanaw ko ang basketball court ay nakita kong nakabukas ang mga ilaw nito at alam kong ilang minuto na lang ay isasara na rin ito.

"Kuya Roman, kami na po ang magsasara." rinig kong saad ni Gio habang papalapit kami doon.

"Oh, ikaw pala yan, Gio. Ginabi kayong dalawa na maglaro?" usisa niya.

"Kararating ko lang din po kasi. May pinuntahan lang kanina kaya medyo ginabi na rin po." sagot ko na may tipid na ngiti.

"Osya, idaan niyo na lang ni Fiona ang susi sa bahay namin mamaya ah. Ilock niyong maigi yan, mapapagalitan tayo ng presidente ng subdivision dito at kayo ang ituturo ko." banta niya habang iniaabot sa akin ang susi.

"Opo, Kuya Roman. Mabilis lang din naman po siguro kami." sagot ko at tumango na siya.

Naunang pumasok si Gio sa loob ng magpaalam na si Kuya Roman sa amin. Hinintay ko naman siyang makaliko sa kanto ng street nila bago ako pumasok sa loob. Kinakabahan din kasi ako kung ano ang pag-uusapan namin ni Gio. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin at kung ano ang mangyayari kapag pumasok na ako sa loob ng court at harapin siya.

Pagkapasok ko ay nakita ko siyang umaanggulo upang makatira sa labas ng three point line. Inilibot ko ang tingin ko sa bakanteng court bago magpasyang ilapag muna sa isang sitting bench ang mga susi upang mabilis namin itong makuha. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nagkatinginan naman kaming dalawa.

"Pashoot ako." basag ko sa katahimikan na bumabalot sa pagitan naming dalawa.

Ipinasa niya sa akin ang bola at nasalo ko naman ito. Idinribble ko ito ng ilang beses bago nagpasyang ishoot dahil sa kaba ko sa presensya niya at sa nararamdaman kong tingin niya ay hindi ko naipasok ang bola.

"Mukhang ngayon lang kita nakitang nagmintis ng tira sa range na 'to." saad niya.

"Pagod kasi ako." tumango naman siya at hiningi ang bola sa akin.

"That's your childhood friend?" tanong niya at agad na ishinoot ang bigay kong bola.

"Hmm, matagal na silang nasa US at ngayon lang nagkaroon ng opurtunidad na makauwi kaya sinulit niya na makabisita sa amin." sagot ko.

"And I believe that parents niya ang kasama niyo kahapon nila Kuya Gali?" 

"Oo, magkaibigan kasi sina Mama at Papa tsaka yung parents niya noon sa tinitirhan namin nung nabubuhay pa si Mama."

"Ano palang ginagawa niyo don kagabi?" tanong ko.

"Nagka-ayaan lang kaming mga magpipinsan. Minsan na lang din kasi kami magkasama lalo na't ikakasal na si Kuya Salem, yung isa kong pinsan." kwento niya.

"I've heard about that." komento ko at tumango naman siya.

Narinig ko ang tungkol sa pagkaka-arranged marriage ng isang Montenegro dahil sikat nga ang pamilya nila sa bayan na ito. Usap-usapan din kasi ang pamilya nung babaeng magpapakasal dun sa pinsan niya.. Hindi ko masyadong alam ang tungkol doon dahil hindi naikwento ng buo sa akin ni Yana ang tungkol don.

"I guess, you're family will be a lot busy. Ikaw din." pagpapatuloy ko.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at ipinasa na lang sa akin ang bola. Sinubukan ko namang tumira sa gamay kong range at napangiti ako ng pumasok ito. Bumalot muli ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa habang pinagmamasdan ko siyang kunin ang bola para siya naman ang mag-shoot nito.

Enchanted (Montenegro Series #5)Where stories live. Discover now