15

545 14 2
                                    

Napatingin ako sa harapan ng sasakyan ni Gio ng huminto ito upang magparada. Hinintay namin siya ni Yana matapos na mag-ayos at maligo bago kami tumulak sa pagdarausan ng unang panalo ng team dahil pagkatapos nito ay magiging sunod-sunod na ang laban nila at hindi na nila magagawa ang ganito. Nakaupo ako sa front seat at hinihintay na patayin niya ang makina ng sasakyan niya upang makababa na kami.

"Sigurado ka bang okay lang na kasama kami dito, Gio? Baka hindi kami pwede ah." basag ni Yana sa katahimikan.

Dapat kanina niya pa ginawa iyan dahil halos hindi ako mapakali sa sobrang tahimik ng naging byahe namin mula sa campus hanggang dito. Kahit naman hindi gaanong kalayuan ang restaurant na pagdarausan ng celebration nila ay hindi ko parin makayanan ang awkwardness na naramdaman ko kanina.

O baka ako lang ang nakakaramdam non? Katulad ng ako lang ang nakakaramdam ng pagtingin ko kay Gio.

"Hindi, some of my teammates brought their friends and girlfriends." sagot niya.

Sabay sabay naman kaming bumaba at sinalubong kami ng ilang teammate niya na kararating lang. Nakakapit sa braso ko si Yana at nakasunod lang kami kay Gio. Ramdam ko ang pagka-ilang niya dahil sa paraan ng pagkakakapit niya.

"I told you dapat hindi na tayo sumama." bulong ko habang naglalakad kami.

"Okay lang yan. Atsaka atlis ikaw ang kasama pag punta dito. Kita mo yung nagbigay ng regalo kay Gio kanina. Halos matunaw ka sa sama ng tingin." bulong niya pabalik.

Patago ko naman tiningnan ang tinutukoy niya at napaiwas ako ng tingin ng saglit na nagtama ang mata ng babae sa akin. Hindi ko tuloy namalayan na huminto na pala sa paglalakad si Gio kaya agad niya akong sinipat kung okay lang ba ako at marahan naman akong tumango.

"Dito na kayo maupo. Anong gusto niyo at kukunan ko kayo ng makakain." sabay hila niya ng upuan para sa amin ni Yana.

"Ako yung burger lang tsaka yung fries." mabilis na saad ni Yana marahil ay nakakakain na siya dito.

"Ikaw?"

"Kung ano na lang ang kukunin mo, hindi naman ako mapili sa pagkain." sagot ko at tumango naman siya.

Pagkabalik niya ay sinenyasan niya ako na tumayo kaya nagtataka naman akong sinunod siya. Sinenyasan niya si Yana na aalis kami at pupunta sa kung saan. Nakipagkamayan siya sa mga teammate niya na nasa mga mesa dito sa loob ng restaurant. Ramdam ko sa likod ko ang marahang pagkakalagay ng kamay niya na iginigiya ako sa kung saan.

Tumigil kami sa isang mesa at agad namang tumingin sa amin ang lalaking kamukha niya.

"Anong ginagawa mo dito?" bati nito at agad na niyakap si Gio.

"Dito nag-celebrate ang team para sa panalo namin ngayong araw. Hindi ka naman kasi nanood eh. May nakapagsabi sa akin na nandito ka daw." saad naman ni Gio.

Awkward akong nakatayo sa gilid nilang dalawa at hindi ko alam kung saan ko ipopokus ang mga mata ko. Ayaw ko namang maging feeling close sa mga nakatingin sa amin na kasama ng bumati kay Gio.

"May kailangan akong ayusin." napatingin sa akin ang kausap ni Gio.

"Ah, si Ina, Kuya Ajeer. Ina, totoong Kuya ko na 'to, si Kuya Ajeer." pakilala sa akin ni Gio.

"Huwag kang naniniwala sa mokong na 'to. Pinsan niya pa rin ako." saad nito at siniko naman siya ni Gio.

Ngumiti naman ako at inilahad ang kamay ko. Hindi niya agad ito tinanggap pero binigyan niya ng makahulugang tingin si Gio. Titingin na dapat ako kay Gio ng tanggapin na ng Kuya niya ang kamay kong nakalahad.

"Nice meeting you, Ina. Balita ko ikaw ang nag-coach dito sa pinsan kong ito para maging mamaw lalo sa laro ng basketball." 

"Ah, hindi naman po coach na coach. Pinuna ko lang po ang panget na galaw niya at nag-advice ng point of improvement. Magaling naman po siya pero kailangan lang po ng talino sa laro." saad ko at napatawa ko naman ang Kuya niya.

Enchanted (Montenegro Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora