18

684 9 0
                                    

Nagmamadali akong kumain dahil medyo nalate ako sa gising. Kung hindi pa ako tinawagan ni Gio kanina ay hindi pa ako magigising. Mukhang nakalimutan kong magpa-alarm kagabi kaya ngayon ay halos hindi ako magkanda-ugaga sa pagkain. Malapit lang ang subdivision nila Gio sa amin at nung tumawag siya ay papunta na siya sa amin. Samantalang ako ay kagigising pa lang.

Ramdam ko ang tinginan nila Papa at nina Kuya sa akin pero hindi ko sila pinapansin dahil sa pagmamadali ko. Ayaw ko namang paghintayin si Gio sa labas ng bahay namin at baka mas paghinalaan pa kaming dalawa nina Papa at ng mga Kuya ko. Hindi pa ako handa na sabihin sa kanila na nanliligaw sa akin si Gio.

"Dahan-dahan naman bunso. Hindi naman kita iiwan. Kaya kong patakbuhin ang sasakyan ng matulin para makaabot ka sa klase mo." puna sa akin ni Kuya Gali.

"Hindi ako sasabay sayo, Kuya." medyo hindi maintindihan ang sinabi ko dahil sa dami ng laman sa bibig.

"Kainin mo muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita, bunso." saad ni Kuya Goyo sa akin ng hindi inaangat ang tingin niya dahil patuloy ito sa pagkain.

"Oo nga, ang baboy mo talaga kahit kailan, bunso." gatong na asar ni Kuya Gali at inirapan ko lang siya dahil sa komento niyang iyon.

Minadali ko ang pag-nguya upang masabi na ang dapat kong sabihin. Medyo kinabahan ako kahit na hindi ito ang unang beses na hindi ako sumabay kay Gali ngunit ito ang unang beses na kabahan ako sa pagpapaalam na hindi sasabay dahil sa katotohanang nanliligaw sa akin si Gio. Susunduin niya ako bilang manliligaw hindi bilang isang kaibigan na lang.

"Hindi kako ako sasabay sayo, Kuya Gali." mahinang saad ko na tama lang upang marinig nilang apat.

"Kanino ka naman sasabay?" usisa ni Papa.

Ibinababa ko ang kamay ko na nakapatong sa lamesa at nagsimulang nerbiyosin sa pamamagitan ng pagtambol ng mga daliri ko sa tuhod ko. Bagay na nakasanayan ko kapag hindi ako mapakali sa sinasabi ko.

"Kay Gio, Papa." sagot ko.

"Susunduin ka dito?" mabilis na tanong ni Kuya Gael sa seryosong tono.

"Opo, Kuya Gael. Parating na siya maya-maya, ayoko naman pong paghintayin kasi ako nalang yung makikisabay." medyo pagsisinungaling ko.

"Anong naisipan ng utol ko at isasabay ka?" usisa ni Kuya Gali sa akin.

Napansin kong napatigil na sa pagsubo ng pagkain niya si Papa kaya medyo dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Si Kuya Goyo naman ay medyo nakakunot na ang noo dahil naghihintay siya sa mga isasagot ko kaya alam kong isang maling sagot ko lang sa mga tanong ay masasabi ko ang totoong dahilan ng pagsundo sa akin ni Gio dito sa bahay.

Inilipat ko naman ang tingin ko kay Kuya Gael na kalmado ngunit alam kong lohikal na itong nag-iisip ng mga dahilan. Pati si Kuya Gali na loloko-loko kung kikilalanin ay medyo naiintriga rin sa sinabi ko.

"May bibilhin lang kami malapit sa university. May kailangan kasi akong bilhin at siya lang ang nakakaalam kung saan ko ito mabibili. Kailangan ko sa school." paliwanag ko.

"Makakaabot ka kaya kapag pinuntahan niyo pa ang pagbibilhan niyo ng kailangan mo na iyan, Ina?" tanong ni Kuya Goyo sa akin na nag-angat ng tingin sa akin.

"Opo, sobrang lapit lang naman ito sa school, Kuya. Hindi naman kami magtatagal talaga." pagsisinungaling ko.

Medyo nagi-guilty ako sa pagsisinungaling ngunit alam kong hindi pa ako handa sa pagsabi sa kanila. Patawad mga Kuya ko at Papa ngunit kailangan ko pa ng kaunting oras para mapaghandaan ang bagong yugto ng buhay ko.

"Hi!" masiglang bati sa akin ni Gio ng sumakay na ako sa front seat ng sasakyan niya.

Nakita ko kung paano pumungay ang mga mata niya habang pinagmamasdan akong ayusin ang pag-upo ko sa upuan ng sasakyan niya kaya iniwas ko ang tingin ko sa gawi niya bago nagpasyang bumati. 

Enchanted (Montenegro Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن