Chapter Sixteen

103 7 0
                                    


Santino POV

Lumipas pa ang ilang minuto at malapit na magsimula ang patimpalak kaya patayo na sana ako ng biglang may tumawag saaken.

"Santi!" Nakangiti niyang tawag saaken mula sa malayo habang kumakaway.

Para namang biglang tumalon ang puso ko at bigla na lang akong napangiti pero mayamaya lang din ay nawala ang ngiti ko.

Alam ko kung ano ang nararamdaman ko, alam ko na kung bakit ako nagkakaganito, at alam ko na kung sino ang dahilan bakit ganito mag-reack ang puso ko.

Gusto ko na si Alfred, hindi ko alam kung paano nangyare, hindi ko alam kung kailan pa nagsimula basta ang alam ko ay masaya ako tuwing nanjan siya.

Kaso hindi pwede.

"Good luck! Ang ganda mo" nakangiti niyang sbai ng makalapit saaken kaya umiwas agad ako ng tingin.

Iiwas na ba ako o patuloy ko pa rin siyang hahayaang manatili sa tabi ko?

"Contestants, let's go" tawag saamen kaya tumingin muna ako sa mga kapatid ko at tinanguan at nginitian sila.

Mabilis lang din akong tumingin kay Alfred at tipid na ngiti ang binigay ko sakanya.

Pumasok ako ng stage ng masyadong distracted at naglakad ako na arang model sa gitna ng court na parang wala sa sarili. Hindi ako mapakali! Kung dati ayos lang na nakatingin saaken si Alfred habang ginagawa ko to pero ngayon masyado na akong naiilang.

Ehh panong hindi ako maiilang ehh nakangiti siya habang nakamasid saaken habang nasa likod niya lang ang mga kaibigan niya, si Cha at pati na yung Nicole.

Focus Santi! Focus!

"Kuya! Ano ba naman yun!? Mukha kang zombie maglakad kanina. Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Pilit ka din ngumit? May sakit ka ba?" Sunod-suno at nag-aalalang tanong saaken ni Aileen.

"Oo nga, Sammie. Anong nangyare sayo? Iuwi ka na lang namen kung hindi maganda ng pakiramdam mo ngayon-"

"Ayos lang ako. Ayos lang" putol ko sa sinasabi ni Cha at nginitian sila. "Kinakabahan lang talaga ako ng sobra, tsaka ayos lang kahit hindi ako manalo ngayon. Chill" dagdag ko pa na ikinahinga nila ng maluwag.

"Oo naman, kahit anong mangyare ikaw pa rin naman ang pinakamagandang juding na kilala namen" sabi ni Cha kaya nginitian ko siya.

"Babalik na ako doon, sasayaw na ang lola niyo" natatawa kong sabi.

"Hala go! Galingan mo Sammie!! Gilangan mo silang lahat! Kyaa excited na si me" tili ni Cha kaya natatawa akong naglakad pabalik sa stage ng tawagin na ako.

May pagka hip-hop naman ang sasayawin ko this time.

Nagsimula ang music at masagabong palakpakan agad ang sumalubong saaken. Pinilit kong wag tumingin kay Alfred at mag focus sa ginagawa ko, pero kusa atang napapadako sakanya ang tingin ko at nasilayan ko na naman ang ngiti niya.

Pero iba naman ang epekto saaken ngayon, mas ginanahan ako at mas itinodo ko pa ang ngiti ko at pagsasayaw hanggang sa matapos ako.

Nagpahinga lang kami ng konting minuto sa backstage at bigla naman may nag-abot saaken ng tubig kaya tumingala ako.

"Water or me?" Biro niya bago naupo.

"Tubig natural, aanhin naman kita?" Masungit kong sabi na ikinatawa niya.

"Pagsisilbihan" pilyo niyang sagot niya saaken kaya naihampas ko sa ulo niya etong tubig na dala niya.

"Doon ka nga!" Pagtataboy ko sakanya.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now