Prologue

342 19 2
                                    


"Pustahan lang lahat ng yun?" Gulat kong sabi.

"Santi, I'll explain-"

"Ganon na lang ba kadali sainyo na paglaruan ang damdamin ng isang tulad ko ha? Ang isang tulad kong bakla ha!? Ano ba ang tingin niyo saaken ha? Mukha ba akong manok na pwedeng ninyong pagpustahan na lang ng ganon lang kadali!?" Sabi ko at mabibigat na hininga ang pinakawalan ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Sabagay ganyan naman talaga kayo ehh, bakit pa nga ba ako naghangad ng taong magmamahal saaken sa ganitong itsura ko. Pero kahit respeto man lang bigyan niyo ako! Kahit respeto lang masaya na ako!" Dagdag ko at maluha-luhang tinignan sila.

"Santi-"

"Wag na wag mo akong matawag na, Santi dahil hindi kita kilala!" Putol ko sa sasabihin ni Alfred at lumunok ako para pigilan ang luha ko na pumatak.

"Ano bang kapalit nun Alfred ha? Pera? O kung ano pang bagay na mas mahalaga pa sa damdamin ng tao ha!? Mga wala kayong awa, pinagkatiwalaan kita... at ayan panalo kayo! Panalo kayo, napa-ibig mo ako masaya na ka na Alfred ha? Masaya na kayo?" Halos pumiyok kong sabi.

"No Santi, please let me explain." Nagmamakaawa niyang sabi pero tinignan ko lang siya.

"Awang-awa ako sa sarili ko alam niyo ba yun ha? Bakit sainyo ang dali lang humusga at kamuhian ang isang tulad ko ha? Hindi niyo man lang ba naisip kung ano ang nararamdam ng tao ha?" Mahina kong sabi habang umaatras palayo kay Alfred.

"We don't fvcking care-"

"Shut up, Nicole! Your not helping!" Sigaw sakanya ni Alfred at tumingin ulit saaken.

"So mas kakapihan mo pa ang maruming baklang yan kesa saamen na kaibigan mo? Akala ko ba gusto mo akong maging girlfriend ha? Heto na-"

"Pinagsisisihan kong gustuhin ka, Nicole." Putol ulit ni Alfred sa sinasabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Santi, please?" Nagmamakaawa niyang sabi.

Umiling-iling lang ako bago tumalikod at naglakad palayo habang pinupunasan ang sunod-sunod na mga luhang lumalabas sa mga mata ko.

"Santi!" Huling salita na narinig ko kay Alfred bago ako tuluyang makalayo sakanila.

Pagod na ako.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now