Chapter Four

119 9 3
                                    

Dedicated to imlara16setirw assejnorualamulab05 LykaZein  blinky_blowyy

Santino POV

“Santi may naghahanap sayo” tawag saaken ni mudra mula sa labas kaya lumabas ako dito sa pinaglulutuan nang mga tinapay at pinagpag ang kamay ko.

“Sino–”

Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng makita si Alfred na nakangiti saaken.

“Hi” bati niya kaya nawala ang ngiti ko at sumeryoso ang mukha ko.

“Bakit?” Tanong ko sa boses lalake.

“Bibili ako” sabi niya at tinuro ang mga tinapay sa harapan niya kaya kumuha naman ako ng plastic.
“Alin jan at ilan?” Seryoso ko ulit na tanong.

“Bakit ba ang seryoso mo?” Biglang tanong niya kaya tinignan ko siya. “Ganito ba talaga 'to kapag kaharap din kayo?” Tanong niya kay mudra at tinuro pa ako.

“Hmm. Wala namang dahilan para ngitian ka niya diba?” Pabirong sabi ni mudra sakanya kaya tumawa siya.

“Yah right hahaha silly me. Sa isang daang pandesal ang bibilhin ko” sabi niya kaya gumalaw naman ako. “Dalawa lang kayo dito?” Biglang tanong niya ulit.


“Oo bakit? Hala ka! May balak kang pasukin kami noh?” Sabi ni mudra at tumawa silang dalawa.

“Nah hahahahaha, balak ko sanang mag-apply” sabi niya na ikinataas ng kanang kilay ko habang nilalagay sa plastic ang mga pandesal.

“Apply? Bilang cashier? Or bilang panadero?” Tanong ni mudra.

“No hahaha” sagot naman niya.

“Ehh ano?”

“Mag-a-apply ako sa puso ni Santi, baka sakaling pumasa ako bilang boyfriend niya” sagot ni Alfred na ikinatigil ko sandali at ikinatawa din ni mudra ng sobra.

“Ha–ha-hahahahahahahahahahahahahaha jusko! Yung totoo? May something ba sainyong dalawa ha? Hoy Santi ano?” Asar ni mudra kaya tumayo na ako at inabot yung plastic kay Alfred.

Pero hindi ko alam kung sinadya niya bang hawakan ang kamay ko o talagang nagkataon lang kaya nagkatinginan pa kami at napaiwas agad ako ng tingin ng makitang nakangiti siya saaken at tinanggal ang kamay ko saka kinuha ang bayad sa kamay niya at bumalik sa loob.

Napahawak naman ako sa puso ko dahil sobrang bilis ng tibok na parang kinakabahan ako.

“Aysos pumapag-ibig na ang alaga ko”

“Palaka ka!” Gulat kong sabi at mas dumoble ang tibok ng puso ko. “Mudra naman ehh, alam mo namang maloko ang isang yun. Wag ka ngang nagpapaniwala doon” dagdag ko at inilagay sa oven ang maliliit na donut.

“Alam ko hahahaha pero hindi malabong bumigay din yun sa isang tulod mo” sabi niya at sinagi pa ang balikat ko.

“Malabo yun mudra, malabong-malabo” sabi ko.

Bet to Love (PIP BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon