Chapter Five

102 8 0
                                    


Aileen POV

Nagsimula na ang contest at magkakatabi lang kami ng dalawa kong kapatid at yung kaibigan ni kuya na si Awin at yung mga kaibigan niya din.

Kumakain lang din kami ng mani habang inaantay ang paglabas ni kuya at nakakaabot na din sakanila yung dala-dala nameng mani.

Jusme feeling close lang!?

“Nakapagpalit na ba yung kuya mo?” Feeling close na tanong nung isang lalakeng katabi ni Awin.

“Nakabihis na” awkward kong sagot.

“Ayy nga pala ako si Jomel” pakilala niya hahang sinusubo yung mani pero ngumiti lang ako sakanya.

“Ako naman si John!”

“Jed”

“At ako naman si Jasper”

Sunod-sunod nilang pakilala pero nanatili ang mata ko doon sa huling lalake na kasama nila.

“Pst tol gusto ka makilala ng kapatid ni Santi, ano ba” siko sakanya ni Jasper.

“Huh? Ahh I’m Alfred” tipid na ngiti niyang pakilala saaken pero tumingin na ako sa harapan dahil nagsalita na ang MC.

“So let us welcome! The candidates today, music pasok!” Sabi nung MC at bigla namang naging dim lahat ng ilaw at isa-isang lumabas ang mga contestant at masasabi ko talagang mas babae pa sa babae ang mga lola niyo!!

“Whoooooo!!! Kuya!!” Sigaw ni Edward ng lumabas si kuya.

“Oyy tol mali, ate dapat ate. Ulitin mo dali sasabayan kita” sabi sakanya ni Gian.

Nakangiwi ko naman silang pinanood na sumigaw ng ate at natawa na lang ako ng gumiling-giling pa silang dalawa kaya nakisabay na ako.

“Go Ate Samantha!!!!” Cheer nameng tatlo kay kuya at kinagat naman ni kuya ang ibabang labi niya at pinanlakihan kami ng mata.

Nagpakilala naman yung mga nauna at hinintay talaga namen na sumunod si kuya bago kami nagtodo sigaw ulit.

“Whaaaaa ang ganda mo po!!!”

“Kyaaa akin ka na lang po!!!”

“Ate pakiss!!!”

Sigaw nameng tatlo at ganon din ang ilang tao dito sa loob ng court.

“Ehem hello” testing ni kuya sa mikropono at naghiyawan ulit ang mga tao.

Ehh pano nakaka inlove naman talaga ang boses ni kuya.

“Ayy jusme ang bakla ang daming nahahatak na babae, baka dito niya na mahanap ang true love niya” rinig kong sabi ng isang bakla sa likod namen kaya lumingon ako at nakita ko ang mga kaibigan niya.

“Oyy mga bakla!” Bati ko sakanila.

“Ayy bakla ka!!! Andito ka pala! Ayy jusme sinasabi ko sayo Aileen bukas na bukas wag mo nang ilababas yang kuya mo dahil baka bigla na lang mawala dahil nakidnapped na pala at gagawing asawa. Ayy nako lagot kayo niyan” sabi niya pero tinawanan lang namen siya.

“Magandang gabi sainyo mga mahal kong manonood at sainyo rin mga mahal kong judges! My name is Santino Bigcas a.k.a Samantha sa gabi. Bakla man ako sa inyong paningin, pero kaya kong pa-ibigin ang iyong katabi.” Sabi ni kuya at mas lalong naghiyawan ang tao dahil sa unang mga salita ay pangbabae ang boses niya pero nung dumating sa part na kaya kong pa-ibigin ang iyong katabi ay biglang naging lalake ulit ang boses niya. “At naniniwala sa isa pang kasabihan na kapag umibig ka nang bakla, ayy! Asahan mo bukas mas motor ka na! And I thank you” dagdag niya kaya nasgsitawanan naman kami.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now