Chapter Ten

77 5 0
                                    


Santino POV

“Sam” tawag saaken ni Alfred sa kalagitnaan ng paglalakad namen at suminghap pa bago humarap saaken at huminto sa paglalakad.

Nilingon ko naman siya at itinaas ko ang dalawang kilay ko sakanya.

“Bakit?” Tanong ko.

“Tara” sabi niya sabay hawak sa braso ko at hinila ako.

“Hoy! Saan mo ako dadalhin?” Naguguluhan kong tanong.

“Mamaya ka na umuwi, tara jan sa malapit na peryahan” nakangiti niyang sabi habang hila-hila pa rin ako. “Hindi ka pa naman siguro hahanapin sa bahay niyo noh?” Tanong niya at nilingon ako.

Nagdalawang isip naman ako at kinagat ang ibabang labi ko na ikinatawa niya kaya tumingin ako sakanya.

“Ang cute mo pala kapag kagat-kagat ang labi mo pft” sabi niya kaya nagulat ako.

“Tumigil ka nga! Sapakin kita jan ehh. Saan ba? Mabilis lang tayo dahil baka umuwi sina modra sa bahay wala pa ako” sabi ko sabay pitik sa kamay niyang nakahawak sa braso ko kaya binitawan niya naman yun.

“Pinapagalitan ka nila kapag umuuwi ka ng matanga na?” Tanong niya.

“Oo, pero sa ibang dahilan” sagot ko.

“Anong dahilan?” Tanong niya ulit at ilang segundo bago ko siya sinagot.

“Baka daw inaatupag ko ang paggagala ko at paglalandi” kibit balikat kong sagot.

“Hindi ka naman ganyan ahh” sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

“Ang alin?”

“Ang pala gala at hindi naman kita nakikitang sumasama sa iba’t ibang lakake” sabi niya. “Iba ka nga sa mga… You know sa mga baklang nakikita ko jan sa daan na kahit sino ang kasama at nilalanding lalake” dagdag niya.

“Hindi naman–”

“And hindi ko nilalahat ha, I didn’t mean to insult people like you. Sinasabi ko lang ang nakikita ko, baka minsan nagkakamali ako, tao lang din naman ako.” Pahabol niya sa sinabi niya kanina.

Hindi naman ako umimik pero nagsalita ulit siya.

“Sorry to ask pero bakit mo pinili maging ganyan?” Tanong niya sa malumanay na paraan na parang iniiwasan akong mainsulto.

“Anong ganyan?” Tanong ko kahit alam ko naman ang sinasabi niya.

“Ganyan… I-I mean ganyan, pinili mo maging gitna sa pagiging babae at lalake” sabi niya.

Natawa naman ako ng palihim dahil hindi niya mabangit ang salitang gay o bakla.

“Hindi sa pinili ko maging ganito ako, pero parang ganon na rin yun kasi sinunod ko lang yung kung ano ang nararamdaman ko. Simula pa bata ramdam ko na, na iba yung pagkatao at gusto ko. Hindi ko din piniling maging bakla dahil sinunod ko lang kung ano yung nararamdaman ko, lalake pa rin naman ako. Kaming mga bakla, magkakaiba pa rin naman ang pananaw at gusto sa buhay. Kita mo naman siguro ang pagkakaiba kapag nakakasalubong ka ng mga kagaya ko.” Mahaba kong paliwanag kaya natahimik siya.

“I see” tanging naisagot niya.

“Ako naman ang may tanong sayo” sabi ko at nagkatinginan kami.

“Ano yun?”

“Ikaw ba, bilang tunay na lalake anong tingin mo saameng mga bakla? Thoughts mo saamen” sabi ko.

“Honestly… I don’t know” sagot niya sabay iwas ng tingin saaken.

Hindi ko na naman siya pinilit at naglakad na lang ng tahimik hanggang sa makarating kami sa peryahang sinasabi niya.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now