Chapter One

270 16 6
                                    


Santino POV

"Hoy bakla hindi mo pa ba yan sasagutin?" Tanong ni Koie kay Dominic.

"Hahahaha seryoso kayo sa tanong na yan ha, mga baklang to! Mag sitigil nga kayo at baka mamaya mag-assume ang babaeng yan na gusto ko siya, yuck!" Sabi niya kaya tumawa lang ako.

"Hoy bakla ka! Ang arte-arte mo akala ko ba mag-aasawa ka ha? Magandang babae naman si Kaylene, diba mga bakla?" Sabi ko naman.

"Ohh ehh bakit hindi kayo ang jomowa sa babaeng yun, maganda pala ehh. Nakakaloka kayo, tawagin niyo nga ang babaeng yun at baka mamaya mawala yan jan" sabi niya.

"Aysos kunware ka pa, nag-aalala ka din naman" asar ko.

"Hoy! Santino, ano suntukan?" Hamon niya sa panglalakeng boses.

"Ayy gora ako jan!" Matinis kong sabi. "Lalaban ka na? Baka hindi mo ata nakikita ang mga muscle... ko" sabi ko din sa panglalakeng boses pero lumambot sa huli kaya nagsitawanan sila.

"Kaylene, bakla halika dito at hinahanap ka ng Papa Dominic" tawag ko kay Kaylene na nanonood ng laro ng basketball.

Gabing-gabi na kasi at hindi talaga pinapasama ni Dominic si Kaylene kasi baka nga mapaano sa daan pag-pauwi at ang bakla crush lang din naman si Kaylene ayaw pang aminin, in denial ang bakla!

"Teka lang kita mong nanonood ehh! Bakit ikaw lang pwede mang hunting ng pogi? Dapat ako rin! Bakla ka" sabi ni Kaylene kaya natawa na lang ako ng sugurin ni Dominic si Kaylene at hinila palayo sa court.

"Nga pala Santi, hindi ka pa rin nakakahanap ng trabaho?" Tanong saaken ni Jason.

"Hindi pa ehh, kahit sana make-up artist ayos na saaken." Sabi ko.

"Hayaan mo maghahanap din kami para sayo, tulong-tulong tayo mga bakla diba? Tsaka kami bahala sayo" sabi ni Noe saaken.

"Kami bahala sayo, baka mamaya kung anong trabaho pa ibigay mo saaken ahh! Kilala kita, Noe bakla" sabi ko at tumawa naman siya.

"Hoy! Grabe ka naman saaken ahh" natatawa niyang sabi.

"Ewan ko sayo. Ohh siya at ako'y uuwi na dahil paniguradong sermon na naman ang sasalubungin ko sa bahay" sabi ko sabay talon sa may stage na inuupuan ko.

"Babush bakla! See you tomorrow!" Sabi ni Dominic na hawak-hawak si Kaylene sa buhok at hinihila.

"Hoy bakla maubusan yan ng buhok hahahaha lagot ka niyan" sabi ko.

"Marami pa 'tong buhok, sa baba nga marami din panigurado" biro niya kaya nagsitawanan naman kami.

"Manyak kang bakla ka! Bibitawan mo ako o sisipain ko yan 'iyo" reklamo ni Kaylene kaya napailing-iling na lang ako at naglakad na palayo sakanila.

Masyadong madilim na ang dadaanan ko pauwi sa bahay pero ayos lang, wala namang maglalakas loob na rape-in ako dito ehh hahahahaha.

Tsaka mga ilang metro lang naman ang layo ng bahay namen mula doon sa court kaya kahit tumakbo ako makakaabot agad ako sa bahay.

Napahinto naman ako sa paglalakad ng makita ko ang kapatid kong babae na si Aileen na naglalakad papunta dito sa direksyon ko kaya nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now