Chapter Eleven

83 5 0
                                    


Santino POV

Nagtitigan lang kami ng ilang minuto at inaantay kong tumawa siya pero hindi niya ginawa.

“Pft hahahahahahahahahaha” biglang tawa ni Cha sabay hampas sa balikat ko. “Hahahahahahahaha aray ko! Whoo! Hahahaha aray ko teka lang, teka. Wait lang naman Alfred hahahaha, wag kang ganyan pft” dagdag niya pa at hindi na makahinga ng maayos kakatawa niya.

“Baliw” bulong ko sabay irap. “Ang galing ng biro mo ha. Ha. Ha. Ha nakakatawa oo” sarkastiko kong sabi na ikinangiti niya pero may kasamang tawa.

“Don’t take it serious, I’m just joking. Pinapatawa ka lang ehh” nakangiti niyang sabi kaya inirapan ko ulit siya.

“Akalain mo yun marunong ka palang magbiro ng ganon?” Kunawareng bilib na sabi ni Cha sakanya.

“Of course I do, cuz. Malay mo biglang ma-in love saaken si Sam dahil sa biro ko. Ayaw mo nun?” Biro niya kaya nakatanggap siya ng batok kay Cha.

“Che! Hindi pwede maging sayo si Sammie ko! Hmpt! Sasaktan mo lang siya ehh.” Sabi naman ni Cha at ipinulupot ang braso niya sa braso ko. “Dito ka na lang saaken, hindi kita sasaktan. Sa kama lang kita sasaktan” dagdag niya with matching taas baba pa ng kilay.


Mag-r-reack pa lang sana ako ng biglang hilahin na naman ako ni Alfred papunta sakanya.

“Yucks! Mandiri ka nga! Akala mo naman papatol sayo si Sam, doon ka nga!” Nakangiwing sabi ni Alfred.

“Ohh iba na naman yan na nasa utak mong bulok! Ibig kong sabihin–”

“Wag ka ng magpaliwanag. Ikaw na babae ka maghanap ka ng kakagat jan sa kagandahan mo na pa expired na. Shoo!” Pagtatabuyan niya sa pinsan niya kaya natawa ako.

“Talaga! Hindi ka din makakahanap ng babaeng kakagat jan sa hindi kagwapuhan mong mukha. Hmpt!” Parang bata niyang sabi at nagmartya paalis.

Magpinsan nga sila.

“Ano? Tara na!” Nakangiting sabi ni Alfred bago ako hinila papasok ng horror house.

Tch. As if naman matakot nila ako dito.

Sumakay kami sa ginawa nilang parang train, capacity of ten people ang kasya at kung s-swertihin nga naman oo. Nasa unahan kami at nakangisi akong nag-antay na umandar ang train.

“Magdasal ka na” nakangising sabi ko kay Alfred dahilan ng paglingon niya saaken.

“Ako? Magdadasal? Huh! Baka ikaw ang kailangan magdasal. Baka mamaya kumapit ka sa braso ko ahh” hambog niyang sabi kaya tumawa lang ako ng mahina.

Nagsimula naman umandar ang train ng dahan-dahan at inilibot ko naman ang mata ko sa madilim na paligid netong horror house.

“HAHAHAHAHAHAHAHA” tawa ng mala d*monyong witch at hindi ko alam dahil pati kami ay natawa.

“Horror ba to o comedy– ahhh!” Napahiyaw naman si Alfred ng biglang may lumabas na taong nakapang kapre ng costume.

“Hahahahahaha hindi takot ahh” nang-aasar kong sabi at pinagpatuloy ang pagtingin sa paligid.

Bet to Love (PIP BL Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora