Chapter Seven

97 8 0
                                    


Santino POV

Kinaumagahan, masakit pa rin ang paa ko pero nagagalaw ko na naman kahit papaano ng maayos. At nadatnan ko din si papa na nasa kusina kaya bumalik ako sa loob para kunin at ibigay sakanya yung perang napanalunan ko kagabi.

“Pa” tawag ko sakanya sabay abot nung nasa sobreng pera.

Tinignan niya naman yun bago ako tinignan sa mukha hanggang paa at pinagdikit ko naman ang mga paa ko.

“Hindi ko kailangan ng pera” masungit niyang sabi at tatalikod na sana kaya agad namang gumalaw ang kamay ko para pigilan at hawakan siya sa braso pero nagulat ako ng malakas niyang tinabig amg kamay ko kaya pati yung sobreng hawak ko at tumilapon. “Hindi ko kailangan ng perang galing jan sa kalandian mo! Suwail kang bata! Nakakahiya ka!” Galit niyang sigaw saaken bago ako tuluyang tinalikuran.

Napayuko naman ako at napabuntong hininga. Naramdaman ko naman na may humawak at humaplos sa braso ko kaya lumingon ako at nakita ko si Aileen.

“Hayaan mo na si tatay kuya, sayo na yan, itago at ipunin mo na lang kuya” sabi niya at nginitian ako bago pinulot yung pera at inabot saaken.

“Para sainyo talaga to, siguro sayo ko na to ibibigay. Wala naman akong pag-iipunan ehh, nagtatrabaho ako para sainyo hmm. Kaya ikaw na magtago neto para kapag may mga kaelangan kayo, jan ka na kumuha” nakangiti kong sabi sakanya at nilagay yung sobre sa kamay niya.

“Pero kuya–”

“Itago mo na, sige na at magluluto na ako. Nilayasan na naman tayo nila mama” naiiling kong sabi kaya tumawa siya.

“Tulungan na kita kuya, itago ko lang to” sabi niya kaya tinaguan ko siya.
Gaya ng nakagawian kong gawin ay nagluto na ako at natural papasok na naman silang tatlo sa eskwelahan habang ako ay pupunta sa bakery.

“Jusmiyo kuya bye! Ingat!” Sabi ni Edward at inunahan na ako sa paglalakad sa may gilid ng kalsada kaya tumawa ako.

Pano iniwan siya nung dalawa dahil sa bagal niyang kumilos. Napayuko naman ako dahil biglang may nag-text kaya kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko at binasa yun.

‘Good morning’

Napakunot naman ang noo ko ng makita ang message na yan. Ang aga namang mang-inis neto.

‘Walang good sa morning dahil hindi ka pa nagpapakilala kung sino ka’

Reply ko sabay pasok ulit ng cellphone ko sa bag ko kaso napaitad naman ako ng biglang may umakbay saaken.

“Good morning” nakangiting bati ni Alfred saaken kaya nakakunot noo ko siyang tinignan.

Nakahinto ulit ako sa paglalakad at napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya kaya tinignan niya din ako.

“Close tayo?” Tanong ko agad at inalis ang kamay niya sa balikat ko.

“Hindi ba?” Maang-maangan niyang tanong sabay ngiti saaken.

May saltik ata to sa utak. Inirapan ko naman siya at nagpatuloy sa paglalakad pero napahinto din ng may maalala pero kamuntik na akong madapa ng bigla niya akong tinulak mula sa likod kaya nilingon ko siya at binigyan siya ng masamang tingin.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now