Chapter Fourteen

86 5 0
                                    


Santino POV

Napuno lang ng tawanan at asaran sa loob ng kwarto ng mommy ni Alfred habang inaayusan ko siya. Natapos ko din naman ang trabaho ko matapos ang isa’t kalahating oras at ilang minuto na lang din bago magsimula ang party.

“Thank you, Sam. Wow! Your so great at this! I love it!” Sabi ni tita.

Tita na lang daw kasi itawag ko sakanya.

“My pleasure, tita” nakangiti kong sabi.

“Maupo na muna kayo, ipapakuha ko lang yung ibabayad ko sayo” sabi niya kaya nginitian ko lang siya.

Nakakahiya! Nag-aalangan talaga ako kung hihingan ko ba siya ng bayad or ililibre ko na lang kasi birthday niya naman, kaso whaaa yung mga gamit na ginamit ko sobrang halaga talaga saaken at medyo mahal siya.

Trabaho lang huhuhuhuhu╥⁠﹏⁠╥

“Nasaan na kaya yung mga kapatid ko?” Bulong ko habang palinga-linga.

Hindi na kasi sumama yung dalawa kong kapatid na lalake sa loob ng kwarto at naglibot-libot na lang dito, si Aileen naman ay hindi ko alam kung nasaan na ba.

“Baka nalibang lang” sabi ni Cha at nagkibit balikat.

“Teka hahanapin ko lang ahh” sabi ko sakanila.

“Samahan–“

“Ako na. Nasa labas na din ang mga kaibigan ko kaya pupuntahan ko na” putol ni Alfred sa sasabihin ni Cha.

“Okie. Aantayin ko na lang kayo dito” sabi niya kaya tinanguan ko na lang siya at naunang naglakad palayo doon sa mesa.

“Hoy, hala ang pogi”

“Shacks! Ang pogi niya”

“Ngayon ko lang ata nakita ang ganyan ka gwapong mukha. Ang fafa!”

Rinig kong bulungan ng mga tao kaya nadadalawang isip akong tumingin kay Alfred dahil alam kong siya ang pinag-uusapan nila.

“Ang pogi” rinig ko pang sabi ng ilan na malapit saamen.

“I know right” mahangin namang sabi netong katabi ko kaya napangiwi ako.

“Yabang” bulong ko naman na ikinatawa niya.

“What? Totoo naman ahh, talagang aliw na aliw sila sa kagwapuhan k–“

“Ihh! Parang mas gwapo pa ata siya kay fafa Alfred!”

“Diba? Omy!”

“My girlfriend na ba siya?”

“Ngayon ko lang siya nakitang kasama ni, Alfred”

“My ghad! Baka siya na talaga ang para saaken”

Naputol naman ang kahibangan niya ng sunod-sunod ulit ang mga bulungan at muntik pang malaglag ang panga ko na mapagtantong ako ang tinutukoy nila.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now