Chapter Fifteen

92 6 0
                                    


Santino POV

Nakalabas na kami ng baranggay hall at nasa likod lang ako nina mama at panay pa rin ang daldal at naiinis pa rin doon sa nangyare kanina.

“Hay nako” pabuntong hiningang sabi ni Aileen at gaya ko ay napapailing na lang siya.

Ehh pano kasi, wala naman talagang nagnakaw. Sadya lang na matanda at ulyanin na siya at hindi niya man lang kinapa ang belt bag niya na natatakpan ng apron na suot niya.

Ayon, nandoon lang naman nakalagay. Diba, another kahihiyan na naman ang ginawa niya, jusko po.

“Bakit nandito kayo?” Tanong ni mama kay Aileen.

“Ahh bigla ho kasi akong may nakasalubong na galing jan sa market, kaya nasabihan ako” kumakamot sa ulo niyang sabi.

Tumingin naman saaken si mama at magsimula sa ulo hanggang paa at tinignan niya ako kaya tumingin ako sa malayo.

“Bakit ganyan ang suot mo?” Tanong ni papa at bakas ko ang pagkasarkastiko ng pagkakasabi niya. “Akala ko ba mahilig ka magdamit babae? Bakit nakaganyan ka? Anong gusto mong palabasin? Na matino kang tao? Huh, may hiya ka pa rin pala sa katawan” dagdag niya.

“Pa naman” sabi ni Aileen sakanya.

“Umuwi na kayo” masungit na sabi ni papa bago kami tinalikuran.

Napabuntong hininga naman ako at napatingin kay Aileen na nakatingin na din pala saaken.

“Uwi na tayo” nakangiti kong sabi sakanya at inakbayan siya. “Daanan naten yung dalawa sa market” sabi ko pa sakanya habang naglalakad na kami sa kilid ng kalsada.

“Tch. Sayang, hindi ko natikman yung puto na may leche flan sa ilalim” nanghihinayang niyang sabi kaya natawa ako.

“Matakaw ka talaga kahit kailan” natatawa kong sabi.

Naglakad naman kami papuntang market para isama na sa pag-uwi yung dalawa kong pang kapatid na nagpaiwan doon para bantayan ang tindahan nina mama saka kami naghahampasan at nagbibiruang umuwi sa bahay.

Kinabukasan, araw na naman ng lunes at heto ako at ako ang nasa kusina para pagsilbihan ang mga kapatid kong akala mo isang split lang nila nandoon na sila sa eskwelahan nila.

“Yan napapala ng mga mantika magising” nakangisi kong sabi habang nilalagyan ng itlog ang slice break saka nilagay sa baunan ni Edward.

Paborito nameng apat to, sa pagkain talaga kami nagkakasundo minsan.

*Tok* *Tok*

Napadungaw naman ako sa pintuan ng kusina at nakita kong ganon din ang ginawa nung tatlo sa may pintuan ng mga kwarto nila.

“Good morning” nakangiting bati ni Cha. “Papasok na ako ahh” sabi niya at lumapit saaken.

“Anong ginagawa mo dito?” Nakakunot noo kong tanong sakanya.

“Para iabot to, umalis ka kahapon ehh. Ano bang nangyare?” Nagtataka niyang tanong at pinatong sa lamesa namen ang dala niyang echo bag.

“Emergency lang. Ano yan?” Sabi ko at ipinagpatuloy ang paghahanda ng mga babaunin ng mga kapatid ko.

“Pagkain, isama mo na to jan sa babaunin nila. Hindi pa to panis ahh! Ang dami lang kasing natirang pagkain kagabi kaya pinapabigay yan ni tita. Kagabi ko sana yan iaabot sayo kaso gabi na masyado natapos yung party kaya nilagay ko na lang muna sa refrigerator ng bahay namen.” Sabi niya at nilabas isa-isa yung mga baunan sa loob nung echo bag.

Bet to Love (PIP BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon