Chapter Two

171 12 3
                                    


Santino POV

Pagsapit ng alas onse ng umaga napairap naman ako ng biglang marinig ang boses ng isang babae na sobra kung maka sumigaw.

“Santino, my baby!!!” Sigaw niya sabay pacute sa harapan ko at nilagay ang siko sa glass kung saan nakahilera ang mga tinapay at saka inilagay sa kamay niya ang mukha niyang akala mo aso kung mag-pacute. “Ackk! Buo na naman ang araw ko dahil nakita na naman kita dito!” Kinikilig niyang sabi at hinawakan bigla ang mukha ko ng dalawa niyang palad.

“Yung totoo? Ako o si bossing?” Pango-okray ko sakanya.

“Pwedeng both? Hahahaha kayong mga bakla kasi bakit ba mga bakla kayo ha!? Huhuhuhu ang g-gwapo niyo bakit niyo kami pinagbabawalan na magkagusto sainyo ha!?” Pagda-drama niya sabay lagay pa ng dalawang niyang kamay sa mukha niya at may pailing-iling pa.

“Ang drama mo dai, naloloka ang beauty ko sayo, marami pa namang gwapo jan sa gilid-gilid ehh bakit hindi ka ang mag first move. Kaloka ka” sabi ko say irap.

Nanahimik naman siya ng ilang segundo sabay tingin saaken ng seryoso saka iniligay ang dalawang kamay sa glass at inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“Anakan mo na lang ako” sabi niya na ikinalaki ng mata ko kaya tinulak ko ang mukha niya.

“Err! Mayi naman alam mo ba yang sinasabi mo ha? Baliw na babaeng to alis nga alis jan! Kadiri ka ihh!” Nandidiri kong sabi sabay layo ng konti sakanya.

“Arte mo, ano aanakan mo ako o hindi–”

“Bakit muna gusto mong anakan kita ha?” Pasingahal na sabi ko sakanya.

“Maganda lahi tsaka hoy! Ang tagal ko na kayang nanunuyo sayo” sabi niya sabay nguso at sandal sa poste sa gilid.

“Ehh sa hindi nga ako ang para sayo nakakaloka kang bakla ka! Hindi tayo talo bhie tsaka duh hindi naman ako aso, baka, pato o baboy na aanakan ka lang para magkalahi jusko ka.” Sabi ko.

“Tch pero kung sakali, papayag kang anakan mo ako?” Pangungulit niya.

“Aba’t! Hindi ka pa talaga titigil? Para ka namang ano jan tumigil ka nga, atat na atat magkaanak ha? Atat na atat?” Sabi ko sabay hila ng laylayan ng buhok niya.

“Tch tinatanong ka lang ehh! Ehh kung hindi ako para sayo baka para talaga sa boss mo hahahaha asan ba yun?” Sabi kaya umikot naman ang mata ko.

“Nasa loob may kasamang babae” pang-iinis ko.

“Ano!? Aba’t!” Sabi niya sabay pasok dito sa loob at pinuntahan na nga ang mudra namen hahahahaha.

Etong si Mayi hindi ko malaman ang takbo ng utak jusme nakakaloka! Pero hahahahaha mahal ko ang babaeng yan bilang kaibigan, baliw ehh.

“Hi there”

Bigla naman akong napatingin sa costumer ko at pamilyar ang mukha niya saaken at mayamaya lang para bigla na lang may lumabas na ilaw sa utak ko ng makilala ko ang lalakeng to.

Tch si Alfred Crisostomo, na feeling famous na basketball player sa barangay namen. Wala naman akong pakialam sakanya kase masyadong papansin at pabida.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now