14.) He's a Girl

231 11 8
                                    

"Ro, may delivery tayo sa penthouse ng San Felipe building. Huling delivery mo na ito ngayong araw. Pwede ka ng umuwi pagkatapos nito." Sambit ni Karen, ang manager ng Sweet Delicacies kung saan part timer si Ro bilang delivery agent.

"Copy, Manager." Nakangiting sagot ni Ro kasabay ng isang kindat sa magandang manager. Namula naman ang babae.

"Tigilan mo ako, Ro. Huwag mo akong kindatan ng ganyan. Ayokong masaktan." Nakangiti nitong sabi.

"Bakit Manager? Nahuhulog ka na ba sa akin? Sasaluhin naman kita kung magpapasalo ka." Malambing niyang sabi.

"Hoy! Ano 'yan ha? Tama na ang landian. Magtrabaho kayo! Ito ang ide-deliver mong cake, Ro." Singit ng malakas na boses ni Tonya sa usapan nila ni Manager Karen. Si Tonya ang kanilang baker sa Sweet Delicacies.

"Nag-uusap lang kami, Tonya." Nakangiting sabi ni Karen.

"Magpapaalam na ako mga beautiful ladies. See you when I see you. Bye!" Nag-flying kiss pa si Ro sa dalawang babae bago umalis. Kinilig naman ang dalawang naiwan.

Pagdating ni Ro sa San Felipe building, kaagad siyang pinapasok ng guwardiya. Dumiretso siya sa elevator at pinindot ang top floor kung nasaan ang penthouse ng customer.

Pinindot niya ang doorbell ng makarating doon.

"Who's there?" Tanong ng babae mula sa loob.

"Hello, Ma'am. I'm Ro from Sweet Delicacies. Delivery po para kay Ms. Elda San Felipe."

Itinaas ni Ro ang dala sa maliit na screen sa labas ng pintuan para ipakita ang box ng dala niyang cake.

"Alright. Wait a second."

Narinig ni Ro ang pag-click ng pintuan kasunod ng pagbukas noon. Natulala siya sa itsura ng bumungad na babae. Napakaganda nito.

"Hey!" Pukaw ng babae sa kanya.

"I'm sorry, Ma'am. Paki-pirmahan na lang po ito."

Ngumiti ang babae kaya napatitig na naman siya rito.

"Hey! Tapos na."

Kumurap si Ro at bahagyang kumamot sa batok. Nahihiya siya dahil sa pagtitig niya rito.

"Thank you, Ma'am."

"Wait!" Pigil nito ng aalis na siya.

"Yes, Ma'am?"

"Pwede mo ba akong tulungan? Sandali lang naman hanggat hindi pa dumadating ang kapatid ko." Bahagyang tumilos ang nguso nito kaya napunta roon ang tingin ni Ro.

"Okay." Wala sa sarili niyang sagot dahil naka-focus ang tingin niya sa pinkish nitong labi.

"Thank you!"

Ngumiti si Ro. Umiwas naman ng tingin ang babae habang namumula ang pisngi.

Inanyayahan siya nitong pumasok na agad niyang pinaunlakan.

"Pwede bang paki-buhat ng table na iyon patungo rito?" Itinuturo nito ang square table na yari sa kahoy.

"Sure!" Tulad ng nais nito, binuhat niya ang table sa direksyong gusto nito.

"Pakilagay rin nito sa taas. Gamitin mo itong hagdan."

Kinuha ni Ro ang mga balloons at idinikit sa kisame. Mukhang birthday party ang pinaghahandaan ng babae base sa order nitong cake at design ng paligid.

"Elda, are you done? Baka dumating na si Adriana." Tanong ng kararating lang na lalaki.

"Bakit ngayon ka lang, Kuya Jaxon? Ikaw dapat ang gumagawa ng surprise birthday celebration para sa nililigawan mo pero ikaw pa itong late dumating? Paano ka niya sasagutin?" Reklamo ni Elda sa kapatid.

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now