7.) My Gay Housemate

230 12 1
                                    

Matamlay na naglakad papasok sa kanyang maliit na bahay si Jacky. Second year anniversary nila ng kanyang boyfriend na si Rico at may usapan sila para sa lunch date celebration pero hindi maganda ang nangyari. Sa halip na maging masaya silang dalawa, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ng makita niya itong nakikipaghalikan sa kanyang bestfriend na si Monica.

Hinagis niya sa sala ang dalang handbag. Inalis niya ang kanyang flat shoes at hinayaang nakakalat sa sahig. Wala siyang lakas para ayusin iyon sa shoe rack. Masyado siyang nanghihina sa nangyari.

Nagtungo siya sa kusina at umupo sa silya. Lumapit naman sa kanya si Raven. Ang baklang nangungupahan sa kabilang kwarto ng kanyang bahay. Ito na lang ang tanging minana niya sa yumaong mga magulang kaya napagpasyahan niyang paupahan ang kabilang kwarto para may additional income siya maliban sa trabaho niya bilang sales lady.

"B-bakla," Tumingin siya rito ng may naluluhang mata. Unti-unting bumuka ang kanyang bibig upang pakawalan ang malakas na iyak. Pero naudlot iyon ng isubo ni Raven ang isang buong malamig na pandesal sa kanyang bibig.

Kinuha niya iyon at tuluyang kinain.

"Pati ba naman pandesal, malamig sa akin?" Pag-eemote niya.

"Ano na naman ang problema mo?" Mataray nitong tanong habang nakataas ang isang kilay.

Ibinalik niya sa lalagyan ang kapiraso ng pandesal.

"S-si Rico-"

"Si Rico na may ibang babae at nahuli mo? Sino naman ngayon ang kasama niya?" Pagpapatuloy nito sa kanyang sasabihin.

"Paano mo nalaman?"

Mahinhin itong nagcross arm bago umupo sa kaharap niyang upuan.

"Sa dalawang buwan kong nakatira rito, palaging iyan ang problema mo. Aalis ka para makipag-date sa boyfriend mo pero uuwi kang ganyan ang itsura. Bakit kasi ayaw mo pang hiwalayan?"

"Mahal ko siya,"

Umikot ang mata nito. "Mahal ka ba?"

Masakit para kay Jacky ang tanong na iyon. Hindi niya rin alam kung pagmamahal ang ibinibigay ni Rico sa kanya.

"Kung mahal ka niya, hindi iyon maghahanap ng iba."

Tumayo si Raven pero kumunot ang noo niya ng mapansin ang suot nito.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong niya rito.

"Duh? Ano bang masama sa short-shorts? Katatapos ko lang maligo 'no!"

Tumayo si Jacky at hinarap si Raven. Sa dalawang buwan nitong pangungupahan sa kanya, naging magkaibigan na rin sila.

"Short ko 'yan!"

"Hiniram ko lang,"

"Kanino ka nagsabi?"

"Sa short. Wala ka kasi kaya sa short na lang ako nagpaalam,"

"Maliit ang short ko tapos pinagkasya mo sa'yo? Hindi ka na naawa sa tela?"

"Hinugasan ko kasi ang aking mga damit. Basa pa iyon ngayon kaya kailangan ko ng pamalit,"

"Anong hinugasan? Nilabhan, hindi hinugasan. Ginawa mong pinggan ang mga damit mo ah. Bakit hindi ka ba bumibili ng damit? Para hindi mga damit ko ang pinagtitripan mo."

"Ayoko lumabas,"

"Habang-buhay kang magkukulong dito? Hindi ka ba naboboring? Simula ng tumira ka rito, hindi pa kita nakitang lumalabas."

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now