12.) She Became A Fighter

212 12 4
                                    

Matapos ang mahabang araw ng pagtitinda ni Justin Cervantes aka Tintin, umuwi siya habang tulak-tulak ang kariton ng mga tinitinda niyang prutas. Halos libutin na niya ang tatlong barangay sa kanilang lugar para lang magtinda. Sobrang pagod ang nararamdaman niya ngunit masaya pa rin siya at naubos ang mga prutas. Meron pa ngang nanghihinayang dahil hindi nakaabot sa mga fresh niyang paninda.

Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad, narinig ni Tintin ang pagtunog ng kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa suot na buchaka. Kinuskos pa niya ang malabong screen para makita kung sino ang tumatawag.

Huminga siya ng malalim bago sagutin iyon.

"Hello, Ate Wanda." Bati niya sa nakakatandang kapatid.

Si Tintin ang bunso sa anim na magkakapatid. Siya na lang ang walang pamilya sa kanila. Naninirahan ang kanyang mga kapatid sa probinsya habang siya'y na sa syudad para magtrabaho. Ulila na rin siya sa mga magulang kaya nagsisikap siya para makaipon at makapag-aral sa kolehiyo.

"Tintin pautang muna ng isang libo. Ibibili ko lang ng sapatos si Colleen." Tukoy nito sa bunsong anak.

"Kapapadala ko lang sa'yo ng isang libo noong nakaraang linggo ah. Sabi mo pambili rin iyon ng sapatos ni Camille." Tukoy naman niya sa panganay nitong anak.

"Anong magagawa ko? Nainggit si Colleen kaya nagpapabili rin. Pauutangin mo ba ako?" Bahagyang tumataas ang boses nito sa kanya.

"Wala akong maipapadala, Ate. Pasensya na." Mahinahon niyang sagot.

"Bakit wala kang maipapadala? May trabaho ka kaya imposibleng wala kang pera. Wala ka namang binubuhay na pamilya para maubos agad ang iyong kita."

"Ate, nag-iipon po ako para makapag-enrol na ako sa darating na semester."

"Yun naman pala e. Ipautang mo muna sa akin ang naipon mo. Babayaran ko na lang kapag mag-eenrol ka na."

"Ate, inutang mo na 'yung pang-enrol ko sana last semester pero hindi mo pa binabayaran. Hindi tuloy ako nakapag-enrol."

"Aba, Tintin! Huwag mo akong ganyan-ganyanin. Baka nakakalimutan mong isang taon kitang pinakain ng mamatay si Inay. Tapos sisingilin mo ako sa aking utang? Sayang lang ang niload ko para tawagan ka. Wala naman palang maaasahan sa'yo." Panunumbat nito bago patayin ang tawag.

Pinigilan ni Tintin ang nagbabadyang luha. Palaging iyon ang sinusumbat sa kanya ng kapatid kaya napilitan siyang umalis sa bahay nito. Ayaw naman siyang tanggapin ng ibang mga kapatid dahil dagdag konsumo lang siya sa pamilya ng mga ito.

Muling tumunog ang cellphone ni Tintin. Isa na naman sa mga kapatid niya ang tumatawag. Tuwing hapon salitan ang mga ito sa pagtawag sa kanya para umutang o humingi ng pera.

"Kuya Dario," bati niya pagsagot ng tawag.

"May pera ka ba? Padalhan mo naman ako, hindi ako binibigyan ng pera ni Ate Josie mo e." Bungad nito sa kanya.

"Magtrabaho ka kasi, Kuya. Ang laki mong tao, ang laki rin ng tamad sa katawan mo. Kung naghahanap buhay ka, e 'di may pangtustos ka sa bisyo mo. Huwag kang laging nakanganga sa asawa mo!" Hindi niya napigilang sabi sa kapatid.

"Mas matanda ako sa'yo kaya 'wag mo akong sigawan. Wala ka talagang modo!" Pinatay din nito ang tawag.

Isa pang tawag ang mula sa kapatid ang natanggap ni Tintin. Kahit naririndi na siya sa mga sinasabi ng mga ito, hindi pa rin niya binabalewala ang tawag ng mga kapatid.

"Ate Claire," bati niya rito.

"Tintin, binilhan mo raw ng sapatos si Camille? Baka pwede mo ring bilhan si Jane. Sira na kasi ang sapatos niya. O kaya, cellphone na lang. Pinagtatawanan kasi siya ng kanyang mga kaklase kasi luma na ang cellphone niya. Noong isang araw nga, umuwi siyang umiiyak. Nakakaawa naman ang pamangkin mo."

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now