10.) She's A Mafia Commander

220 13 4
                                    

Nagtipon-tipon ang natitirang miyembro ng Black Hawk Mafia Organization para sa isang malaking pagpupulong. Iba't-ibang espekulasyon ang maririnig sa paligid. Kasalukuyan silang humaharap sa isang Mafia war at na sa dehado silang sitwasyon ng mabihag ng kalabang grupo ang kanilang Big boss.

"Silence!" Maawtoridad na sigaw ng Elite Commander na si Lily Barcelona. Nakatayo ito sa harapan ng lahat suot ang seryosong aura. Mabilis tumahimik ang paligid. Wala silang lakas ng loob suwayin ang Commander lalo na't hindi maganda ang kanilang sitwasyon. "We'll go on a dangerous mission!" Muli nitong pahayag.

"Permission to speak, Commander Lily!" Agaw pansin ni Vincent Ong sa atensyon ni Lily.

Si Vincent Ong ang Mafia Heir ngunit na sa ilalim ito ng command ni Commander Lily. Walang interes si Vincent sa Mafia pero dahil ito ang nag-iisang anak ng kanilang Mafia Boss, iginagalang pa rin nila ito. Akala nila tuluyan na nitong kinalimutan ang Mafia dahil kailanman ay hindi ito magpapakita sa kahit anong pagpupulong. Ngunit sa sitwasyon nila ngayon, bigla itong sumulpot para tumulong.

"Go ahead." Hudyat ni Commander Lily para magsalita ito.

"Hindi na ba tayo lalaban sa digmaan? Susuko na lang ba tayo?"

Nagkaroon ng tensyon sa bulwagan dahil sa tanong ni Vincent. Marami ang nalagas sa kanilang mga kasama pero wala silang karapatan para umatras sa laban. Ngunit kung iyon ang suhestiyon ng Commander na siyang namamahala ngayon sa Mafia, hindi nila ito susuwayin.

"We're not going to surrender but, we will prioritize saving the Big boss." Walang emosyong pahayag ni Lily.

Walang mahalaga sa oras na iyon kundi iligtas ang kanilang Pinuno. Nabihag ito ng Eagle-Eyed Mafia, ang katunggali nilang Mafia. Gusto ng Eagle-Eyed Mafia na sumuko sila rito at buwagin ang Black Hawk Mafia Organization. Ngunit bilang Elite soldier, hindi sila basta susuko kahit wala ang kanilang Pinuno. Tungkulin nilang iligtas ang nagsilbi nilang Ama sa Mafia. Kahit anong mangyari, babawiin nila ito mula sa kalabang Mafia.

"Now, let's talk about the operation!" Isang makahulugang ngisi ang ipinakita ni Lily sa mga kasama.

Isa si Lily sa nagpapalakas ng loob sa natitirang miyembro ng Black Hawk. Ang lakas nito ng loob ang nagpapatibay sa pundasyon ng napipintong pagkasira sa haligi ng Mafia. Malaking kawalan ang pagkakabihag ng kanilang Pinuno. Pero dahil sa lakas ng loob ni Lily, nanatili silang nakatayo at lumalaban.

Pagkatapos pag-usapan ang kanilang plano, naghanda na ang Black Hawk para sa gagawing operasyon.

Lumapit si Vincent sa pwesto ni Lily dala ang isang bote ng mineral water. Abala ang dalaga sa pag-iinspeksyon ng kanilang mga armas.

"Uminom ka muna. Hindi ka na kumain ng tanghalian. Hindi ka rin nag-meryenda. Ngayon hindi ka pa rin kumain ng hapunan. Kailangan mo ng lakas para sa ating operasyon."

Tinanggap ni Lily ang tubig. Inubos niya iyon sa isang inuman lang.

"I can't help it. Tatlong araw na nilang hawak si Senior Daboy. Baka kung ano ang gawin sa kanya ng Eagle-Eyed. Matanda na si Senior at hindi na niya kakayanin pa ang mga torture. Baka patayin siya ng mga iyon." Hindi maitago ni Lily ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Hindi nila gagawin iyon." Siguradong sagot ni Vincent.

Matalim na tumingin si Lily kay Vincent. Agad namang itinaas ni Vincent ang dalawang kamay. Tanda na hindi ito lalaban sa anumang pwedeng gawin dito ni Lily.

"Paano mo nagagawang maging panatag kung na sa panganib ang sarili mong Ama?" Hindi maiwasan ni Lily na kuwestiyunin si Vincent. Anak ito ni Senior Daboy. Sariling dugo at laman ng matanda pero tila wala itong pakialam kahit na sa panganib ang sariling Ama.

SHORT STORIESTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang