Chapter 32

6.2K 154 5
                                    

"Dani, pwede ba magrelax ka nga. Baka naman sobrang importante nung lakad nya kaya hindi nya masagot mga tawag at messages mo." Pagpapakalma sakin ni Jam.


Nandito ako sa apartment nya kasama si Spencer, yung bass/vocals nung banda nila. Paano kasi ang aga-aga bad trip agad ako kasi paggising ko wala na si Tala sa tabi ko. Isang maikling lang ang iniwan nya directing me not to forget to eat my breakfast and she's gone to fix things up.


Kakabati pa nga lang namin at gusto ko pa sana syang lambingin kaso eto na nga, umalis na naman and worst is I don't know where she is. Buong araw akong naghintay sa kanya pero wala pa rin sya. Buong araw din akong tawag nang tawag at text nang text sa kanya but she's not even replying.


Naiinis na talaga ako. Gaano ba talaga kaimportante yung lakad nya at ni hindi man lang nya magawang magtype kahit maikling text sakin? Pakshet! Kanina pa kaya ako nagaalala dito.


"Eh panu naman ako makakapagrelax nito? Kanina pa kaya hindi nagpaparamdam yung girlfriend ko." Inis na sagot ko.


"Bakit? Ilang araw na bang nawawala dude?" Tanong naman ni Spencer.


"Mula kaninang umaga pa." Maikling sagot ko.


"Sus kaninang umaga lang pala eh. Kala mo naman ilang linggo nang nawawala. Baka busy lang yun."


"Oo nga. Masyado nang OA, Dani. Para ka nang ewan dyan." Segunda naman ni Jam sa sinabi ni Spencer. Magbestfriend nga talaga 'tong dalawang 'to. Ang sarap paguumpugin nang mga ulo. Bwisit.


Bakit ba hindi nila maintindihan na nagaalala ako?


'Weeh? Talaga lang ha. Nagaalala ka ba talaga o baka naman nagseselos ka na naman dahil malamang sa malamang magkasama na naman ngayon sina Krystal at Emy.' Asar naman nang isang bahagi nang utak ko.


Hindi no. Bakit naman ako magseselos? Sinabi na ni Tala na ako lang ang mahal nya so walang dahilan para magselos. Wala nga ba talaga? Shit! Eto na naman ako. Eh kasi naman wala pa rin syang paliwang tungkol dun sa caption nang picture na yun.


"Nagaalala lang ako guys." Maikli kong sagot.


"Alam mo, 'lika. Road trip na lang tayo para mawala yang pagkabagot mo." Anyaya ni Jam samin. Tumayo na ito at kinuha yung susi nang kotse nya.


"Ayoko. Dun na lang tayo sa bar mo." Tanggi ko.


Wala akong ganang gumala ngayon. Ang gusto ko na lang ngayon ay magpakalunod uli sa alak. Ayoko ding umuwi sa apartment. Mas lalo ko lang mafefeel na mag-isa ako. Mas lalo lang akong malulungkot. Tingin ko hindi na uuwi ngayong gabi si Krystal. Magaalas syete na eh ni wala pa rin akong natatanggap kahit isang message man lang.


"Nope. Hindi pwede. Baka magwala ka lang ulit dun eh. Malilintikan pa 'ko sa girlfriend mo. Road trip na lang. Don't worry I'll drive."


"Jam naman eh. Tinatamad akong gumala ngayon. Kung ayaw mo sa bar mo eh di dito na lang tayo maginuman. Basta gusto ko magpakalasing ngayon."

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon