Chapter 8

6.6K 208 8
                                    

"Bro, panay ata labas mo ah. Sino ba yang chic na kinakatagpo mo ha? Pakilala mo naman." Pangungulit uli ni Jam sakin. Kanina pa 'to eh. Basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ko at mangiistorbo.

"Nahhh! Some other time. Pag kami na."

"So may balak kang syotain ganern?" Singit naman ni Kim na abala sa paglalaro nya sa ipad nya.

"Hmmm well see." Naiiling kong sagot. Ano nga bang plano ko? Liligawan ko ba sya or go with the flow na lang.

Actually hindi ko pa rin ma-identify kung anong meron kami ni Krystal. We're friends I know that but somehow we're more than that. Hindi ko ma-explain yung sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sya. She's making me occupied all the time na minsan nakakalimutan ko kung bakit ako naipit sa lugar na 'to.

"Hoy anong 'well see'? Di ka pa sigurado? Wag mong itulad sa mga Manila girls mo ang mga babae dito, dude." Nakakunot-noong sabi ni Jam. Hindi ko alam conservative pala 'tong loko loko kong pinsan.

"Oo nga, Dani. Saka di ba hindi mo naman type yung probinsyana?" Ibinaba na ni Kim ang hawak nyang ipad at nakapangalumbabang tumingin sa akin.

"Relax guys okay? Friends lang kami. Ini-enjoy lang namin yung bawat araw na nagkakasama kami, okay na? Hahaha." Natatawang tanong ko sa kanila.

Halos tatlong linggo na din kaming nagkikita ni Krystal. At sa loob nang tatlong linggong yun, halos nalibot na namin ang mga magagandang resort dito sa Aklan. Araw-araw inililibot nya ako sa mga magagandang pasyalan dito. At akalain mo yun, napakain nya pa ako nang 'tamilok', as what they called it, kahapon sa Bakhawan Eco Park. At ang loka sinabihan pa akong maarte. Hello! Kadiri kaya! Ikaw ba naman ang kumain nang 'live' na uud galing mismo sa patay na puno nang bakhawan, isinawsaw lang sa suka. Eeeww talaga. Pero dahil lagi naman nya akong napapangiti at ehem...medyo nahuhulog na nga ako sa kanya at nagugustuhan ko na sya, kaya naman sinunod ko lahat nang ipinagawa nya sakin hehehe.

Pero aaminin ko, masarap naman pala yung uud na yun. And I know for sure na safe naman yun kainin kasi pinopromote nga yun sa turismo nang Aklan eh. Pero syempre that would be the first and the last time na kakain ako nang ganun hahaha.

At ngayon nga naghahanda na ako para sa next adventure namin. Naghahanda ako nang mga gamit ko kanina nang bigla akong pasukin at isturbuhin nang dalawang 'to eh.

Nagaway pa kami ni Krystal kagabi sa text kasi pabigla-bigla naman daw akong magyaya. Hindi daw sya ready. Eh ano naman? Birthday ko na sa makalawa. Pero syempre hindi ko sinabi sa kanya. Eh ayoko naman i-celebrate yun dito sa mansyon noh. Mabobore lang ako, panigurado yun. Saka isa pa, I want to spend my birthday with her.

"Friends? Ano? Friends with benefits ba yan?" Nanunuksong tanong ni Kim. Binatukan ko nga. And dumi nang utak eh. Kung anu-anong iniisip.

"Sira! Anong benefits ka dyan. Wholesome 'to no." Ngiti ko sa kanila sabay kindat.

"Whoa! Bago ata yan bro ahh. Ikaw? Si Danielle Montemayor Fuentes, nagpapaka wholesome na sa isang babae? Hindi ako naniniwala." Asar ni Jam.

"Me too. Sorry Dani but I agree with Jam this time. Kelan pa yan?" Segunda naman ni Kim. Batukan ko kaya ang dalawang 'to nang manahimik.

"Grabe ha. Ano namang tingin nyo sakin? Lahat nang babaeng type ko susunggaban ko? Labo nyo...tsk tsk tsk." Naiiling kong turan sa kanila at isinara na ang duffle bag na dadalhin ko sa 4-day adventure namin.

"Mismo!" Sabay pang sabi nung dalawa at nagtawanan.

"Hoy!! Tumigil nga kayo. Adventure yung pupuntahan namin okay? As what I've said wholesome 'tong trip na 'to. We're just collecting memories as friends habang nandito pa ko. Wag kayong assuming dyan. Pag naging girlfriend ko na hindi ko naman itatago yun sa inyo."

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon