Chapter 10

5.9K 193 6
                                    

The next day was a blast for us. Halos lahat nang water sports tinry namin. Nagjet ski kami. We also try the famous banana boat. Nagsnorkling din kami and scuba diving. Nagrent din kami nang bugcart. At syempre we also try the zorb experience. Grabe yun. I thought I would die inside of that ball.

Pero yung talagang buwis-buhay sa ginawa namin is yung Reverse Bungy. We got skyrocketed 60 meters above sea level with an adrenaline-charge speed of 200kph. Para kaming nakasakay sa malaking swing na halos liparin na yung kaluluwa ko sa sobrang pagtaas-baba nung sinasakyan namin.

Ayoko sanang sumakay dun kaya lang hindi ako tinantanan ni Krystal hangga't di ako napapayag. At hindi ko alam kung bakit nya ako napilit. Sya lang talaga ang nagiisang babae sa buhay ko na nagagawang pilitin ako sa mga bagay na ayokong gawin. Konting paawa effect lang nya bumibigay na ako.

At ngayon nga sobrang pagod na pagod ako sa dami nang activities na ginawa namin. Gusto pa sana nyang magisland hopping ngayon at pumunta nang Club Paraw after namin magdinner but I said no. I really need some rest para bukas. Tomorrow is my big day and I want to bring her sa West Cove.

Bukas ko din sana planong tanungin sya kung okay lang sa kanyang ligawan ko sya. Yeah, i know right? Ako. Si Danielle Fuentes. Manliligaw sa isang babae for the very first time. At sa babaeng kelan ko lang nakilala pero naging dahilan nang laging pagbilis nang tibok nang puso ko.

But who cares about how long we've met? Who cares if it's my first time and I still don't figure out how to start courting her. Who cares if she's straight, anyway? Basta ang alam ko gagawin ko ang lahat para mahalin din nya ako.

Okay, I admit. It's really sounds so crazy and cheesy but who cares? I love her. And I'm not gonna make the same mistake as I did 8 years ago.

Teka. Asan na nga pala yung babaeng yun? Kanina pa sya nagpaalam sakin eh. May bibilhin lang daw sa labas. Ang tagal naman nya. Inaantok na talaga ako. Nakaidlip na nga ako nang konti sa kakaantay sa kanya. Pero syempre hindi naman ako pwede matulog na wala pa sya. Di pa ako nakakapaggood night kiss eh.

Tiningnan ko yung oras sa cp ko at bigla naman ako dinaga nang pagalala nang makitang alas onse na. Bumangon na ako at nagpalit nang short saka nagsuot nang jacket. Medyo matagal-tagal na pala akong nakaidlip kung ganon. Kasi kanina pang alas nuebe sya nagpaalam eh.

Kinakabahan akong lumabas nang cottage. Naku pag may masamang mangyari sa kanya hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil hinayaan ko syang lumabas magisa. Nanginginig ang kamay na dinail ko yung number nya. Pero walang sumasagot. Makailang beses na akong tumawag pero hindi pa rin sya sumasagot.

Damn! Asan ka na ba Krystal? Please wag mo naman akong pagalalahanin nang ganito. Liligawan pa kaya kita.

Paglabas ko sa may front beach, manaka-naka na lang ang mga taong naglalakad. Malamang pauwi na ang mga ito. Baka naman nagbar syang magisa? Naku baka kung mapano sya. Baka may pumormang iba dun. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Sana sinamahan ko na lang sya kahit pagod na pagod ako.

Iniisip ko kung lalakarin ko yung papuntang station 2. Masyadong malayo yun dito sa resort. Nasa station 1 yung cottage na ni-rent ko. At masyado nang delikado yung daan papuntang station 2. Masyadong madilim na yung dalampasigan. Wala na ding shuttle na nagbabyahe dahil gabi na.

Nanghihinang napaupo na lang ako sa buhangin. Hindi ko maipaliwanag ang frustration na nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kung manuntok nang tao. Gusto kung batukan ang sarili ko.

Bumalik na ako sa resort at dumiretso sa reception desk. Magtatanong-tanong na lang ako. Bakasakaling nakita nila si Krystal. I shouldn't loose hope in times like this. Kelangan kong magpakatatag. Kung kinakailangang magbayad ako nang malaki para lang rentahan yung shuttle nang resort, gagawin ko mahanap ko lang sya.

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon