Chapter 9

6.1K 181 6
                                    

"Baby, gising na!"

I tap Krystal's face slightly. Medyo napasarap ata tulog nya. Sa wakas after one and a half hour drive we're finally here at Caticlan Jetty Port. Naghanap na lang ako nang mas malapit na parking space for rent para pagiwanan ng dala naming sasakyan.

"Baby..." Mahina kong tawag uli sa kanya.

"Hmmm..." I authomatically smiled staring at her face. Bakit naman sobrang cute ata nya ngayon? Sya lang yung kilala ko na cute pa din kahit bagong gising. Kasi ako aaminin ko I look completely messed up in the morning.

"Krys, as much as I hate to wake you up, baby but nandito na tayo sa Jetty Port." I told her when she half opened her eyes.

"Elle, 5 minutes please..." Sagot ni Krystal saka ipinikit uli yung mga mata nya.

Bigla akong natigilan sa sinabi nya. What did she just call me? Iisang tao lang ang tumawag sakin sa pangalang yun. Pero imposible naman nang naiisip ko. She can't be. I immediately dismiss the thought.

Pinalipas ko muna ang limang minuto bago sya ginising ulit. Tumalima naman sya and she got ready herself. Dala-dala yung mga gamit namin sumunod na ako sa kanya sa ticket booth.

Maya-maya pa ay sakay na kami nang ferry boat patawid nang isla. And as usual ayun na naman po sya sa walang sawang pagkuha nang pictures most especially sakin. Ilang minuto lang yung byahe but we enjoyed the boat trip though. Touch down Boracay!

"Uhhmm baby, okay lang ba na sa iisang room lang tayo? Promise harmless ako." I asked her.

Nakakainis naman kasi. I didn't know season pala ngayon. Hindi agad ako nakatawag para magpareserve. Nakalimutan ko summer break na pala. Syempre malamang sa malamang punuan talaga ang mga resorts ngayon.

"Fully booked na daw kasi eh. Saka isa na lang vacant." Apologic ko pa ding sabi kay Krystal.

"Ano ka ba Dani, okay lang sakin. Pareho naman tayong babae eh saka isa pa sayang naman nandito na tayo eh." Ngiti nito sakin.

So ayun nga, we're settled na. So iisang room lang kami. Iisang kama. Iisang banyo syempre. So help me God. Sana talaga mapanindigan kong wholesome ang trip na 'to.

Pagkatapos bayaran yung initial payment, ibinigay na samin yung susi and we are headed up to the room na. Pagdating sa room bigla naman ako nailang nung bigla na lang nyang hubarin yung sweat shirt nya. Napatalikod akong bigla.

Maya-maya pa narinig ko na lang ang malakas nyang tawa. Paglingon ko uli sa kanya, may panloob pala syang puting spaghetti strap na top. Namumula na sya sa kakatawa kaya tinaasan ko lang sya nang kilay.

"Don't tell me your attracted to me Danielle? Makaiwas ka naman wagas. Kala mo naman aakitin kita. Di no! Straight 'to." Tawa nito sakin.

Mas lalo namang napataas yung kilay ko sa huling sinabi nya.

"Straight huh? Hanggang kelan naman kaya?" Asar ko sa kanya. Asaran pala hanap nya ha. Aba eh hindi ko sya uurungan.

"Hahaha oo na sige na. Bi na ako kung bi pero wag ka namang assuming na aakitin kita. Di naman na ata kelangan yun kasi feeling ko akit na akit ka na sakin." Aba't naku naman. Ang yabang nya ha. Pasalamat talaga sya mahal ko na sya.

"Ang yabang mo. Feelingera!"

"Hahaha eh hindi nga ba Danielle?" Asar pa nito sakin.

Inismiran ko lang sya saka tinaasan nang kilay.

"Hahaha pikon ka pala?" Sabi nito.

"Oo. Sayo lang. Kainis ka eh." Kunyari patampo effect ko para naman mageffort syang suyuin ako. Feel na feel ko pa naman kapag nilalambing nya ako.

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon