Chapter 13

5.3K 175 16
                                    

"Sigurado ka bang hindi ka magpapakita sa kanya?" Tanong ni Jam sakin mula sa backseat.

Magkasama kaming apat dito sa bagong kotse na niregalo ni Leon sakin nung nakaraang birthday ko. Ako, si Jam, Kim at si Stephen. Hindi ko alam kung paano na-convince ni Stephen si Kuya Stanley na ibigay yung address ni Dad pero heto kami ngayong apat sa tapat nang gate nang medyo may kalakihan ding bahay.

Venician type yung desenyo nang bahay at halatang pinaglaanan talaga nang maraming oras at panahon ang bawat bahagi nang bahay na yun. Gawa sa capiz yung mga bintana at talagang nagmamaganda talaga yung kabuo-an nang bahay sa malawak na bakuran nito. Pero syempre mas malaki pa rin dito yung Montemayor's Manor.

Ang sabi ni Tita Val, Dad arrived last Saturday. Exactly the day of my birthday. Nagpunta daw si Dad sa opisina ni Tita Val sa hospital and announced his arrival.

Pero dahil nga alam naman na nila Mommy na may ibang pamilya si Daddy dito, so alam naman nila na hindi sa bahay magiistay si Dad. Sabi pa ni Tita Val, Dad was threatening the family for reasons I really don't know.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi ni Tita Val. Sa totoo lang hindi ko alam kung sino pa sa kanila ang paniniwalaan ko. They kept from me this whole thing for 8 freakin' years so how exactly would I possibly trust them? At ang tanong anu-ano pa kayang kasinungalingan ang tinatago sakin nang pamilya ko?

This is the things that I swear I will do everything to know. And I aint stoppin' until I found all the darkest secrets of my family.

"Dani..." Pukaw sakin ni Stephen.

Nasa tapat pa rin kami nang bahay ni David Fuentes. I don't know if kaya kong harapin si Dad in bare flesh. After all these years na ang alam ko ay patay na sya tapos bigla kong malalaman na buhay pala sya, how can I possibly deal with all of this?

"I-i don't know guys. Kung buhay pala sya, why didn't he come for me?" Mapait kong tanong sa kanila.

Natahimik naman ang mga kasama ko. Wala din naman kasi silang alam kung bakit nagawa nyang peke-in yung kamatayan nya. Lahat kaming magpipinsan eh ngayon din lang nalaman na buhay pa si Dad.

"Kuya Steph, may lumalabas." Maya-maya ay pukaw ni Kim sa pananahimik namin.

Napatuwid naman nang upo si Stephen sa passenger's seat nang may lumabas na puting kotse sa gate nang malaking bahay. Masyadong makapal yung tint kaya hindi namin makita kung sino ang lulan nang naturang sasakyan kaya minabuti na lang naming sundan ito.

"Stay close, Dani. We're loosing him." Sabi ni Stephen nang medyo lumayo nang konti yung puting kotse.

Binilisan ko naman yung pagmamaneho ko para makalapit nang konti sa puting kotse nang masiguro kong hindi mawawala sa paningin namin, sapat lang para hindi masyadong makalayo samin.

"Chill lang kayo guys. Baka naman mahalata nila na sinusundan natin sila." Babala naman samin ni Kim.

Laking gulat naman namin nang ma-realize yung direksyong tinatahak nung sasakyan. The car is heading up to the Montemayor's Manor!

"Sa mansyon ata ang punta nya, Dani!" Gulat naman na bulalas ni Kim.

"I know!"

Pagtapat nang puting kotse sa gate nang Manor, agad naman itong pinagbuksan nang gate pagkatapos nang ilang katanungan nang guard. Pagkapasok nang kotse sumunod naman agad kami.

"Let's go, Dani."

As soon as I parked my car, sabay-sabay pa kaming lumabas nang kotse ko. Dali-dali kaming pumasok sa loob nang bahay. Walang tao sa receiving area. Malamang kung sinoman ang lulan nung puting kotse na yun, nasa study room sya ni Leon.

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon