Chapter 14

5.2K 176 14
                                    

"Dani, I guess we had enough. Magdadrive ka pa. Ipahinga mo na muna yan." Narinig kong sabi ni Jam sakin.

Andito kami ngayon sa Abregana Bar & Resto. Dito pinakamadalas tumugtog yung banda ni Jam. Kaya nung sabihin nya saking may gig sya tonight, di na ako nagdalawang isip sumama kahit may hangover pa ko sa sunod-sunod na pagsusunog-baga ko.

Katatapos lang tumugtog nang banda ni Jam. Samantalang ako heto hindi ko na mabilang kung ilang bote na nang san mig light yung naubos ko. Kung ilang shot na nang brandy ang nilaklak ko. Basta ang alam ko gusto kong magpakalunod sa alcohol ngayon.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung napakaraming rebelasyon sa buhay ko at tatlong araw na din akong straight na nagsusunog-baga.

Gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan lahat nang nangyari and wish I didn't come back here. And the worst part is when I thought meeting Krystal was the best part of mylife but now, how I wish I never met her at all.  

Ang sakit....sobrang sakit actually. Last week lang I was so sure I am so crazy in love with her. Umuwi lang kami, andami-dami nang rebelasyon ang nangyari. Last week lang sure na sure na ako na for the first time I'm gonna choose to be genuinely happy with the woman I truly love. But now? Could I just say 'What the hell just had happened?'

"Jam, ganito pala magmahal?" 

"Dan..."

"Pakshit naman talaga oh. Mali na nga sa mata nang tao na magmahal nang kapwa ko babae, tapos eto...Jam, nothing could be so wrong and so painful than loving your damn sister. Jam, she's my SISTER for crying out loud."

Ramdam ko yung walang tigil sa pag-agos nang luha ko. Halos nanlalabo na nga yung paningin ko eh. Hindi ko lang alam kung dahil sa mga luha ko o dahilsa lasing na lasing na ako. Napasubsob na lang ako sa mesa dahil sa sobrang sakit nang ulo ko. Shit! Panigurado bukas sandamakmak na namang sermon ang aabutin ko sa butihing mayor.

Sobrang sakit na talaga nang ulo ko at idagdag pang mabigat na yung pakiramdam ko at malakas talaga yung kutob ko na ilang kembot na lang at makakatulog na talaga ako sa mesang ito kesahodang sobrang ingay pa sa bar na 'to.

Maya-maya pa ay nawalan na nga ako sa huwisyo ko. Hindi ko lang sigurado kung gaano na ako katagal sa kawalan na nararamdaman ko nang may marinig akong naguusap.

"Sige Jam ako nang bahala sa kanya." Narinig kong sabi nung isang boses babae. Parang pamilyar sakin yung boses nya pero kahit anong pilit kong pagmulat sa mga mata ko sadyang naka-glue na ata.

"Okay sige. Pero sigurado kang okay lang sayo? Baka kasi magaway pa kayo." Narinig ko namang sagot ni Jam.

"It's okay, Jam. Really. I can handle her." Pagaassure naman nung kausap nya.

Malamang sa malamang ako yung pinaguusapan nila. Gusto ko sanang sumagot sa usapan nila kaya lang kahit nga pagdilat hindi ko magawa so hinayaan ko na lang sila.

"Okay. Thanks again. I owe you one. Kung nandito lang sana si Kim. Saka pasensya na talaga kung tinawagan kita ha. Kanina ko pa kasi yan pinapauwi kaya lang matigas ang ulo eh. Alam naman nyang di ko sya maihahatid ngayon kasi deretso na kaming Boracay nito. May gig pa kasi kami dun bukas." Narinig kong sabi uli ni Jam.

"Okay nga lang, ano ka ba. Sige na. Ako nang bahala dito."

Yun na ang huli kong narinig bago ko maramdamang may humawak sa bewang ko at kaliwang braso habang pilit akong itinatayo. Dahil sa sobrang kaantukan ni hindi ko magawang igalaw yung katawan ko.

"Elle, come on. Uwi na tayo. Tara na. Tayo ka na." Sabi nung mala-anghel na boses na kausap kanina ni Jam.

Hindi ko alam kung paano nya ako kinaya sa bigat ko pero nagawa nya akong piliting makatayo at alalayan papunta sa sasakyan nya. Ayoko sanang pumasok sa kotse nya nung pilit nya akong pinapapasok pero dahil sa wala na nga akong lakas kaya napilitan na rin akong sumunod sa gusto nya. Wala na rin naman akong pakialam kung may mangyari mang masama sakin ngayon.

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon