Chapter 24

4.8K 154 0
                                    

"So anak, how was your new environment here? Naka-adjust ka na ba sa bago mong opisina?" Narinig kong tanong ni Dad sa akin habang kumakain kami.

Tumingin muna ako kay Mommy bago sumagot. Ngumiti naman si Mommy sakin na parang ini-encourage akong kausapin si Dad. Matagal na panahon na kasi simula nung huli kaming magusap ni Dad.

Ewan ko ba. Hanggang ngayon kasi na-aawkwardan pa rin akong kausapin sya. Sya kasi yung naghatid kay Krystal noon sa Montreal. So minsan hindi ko maiwasang hindi isipin na inilayo nya sa akin si Krystal noon although alam ko naman na desisyon naman ni Tala na iwan na ako at walang kinalaman dun si Dad. It's her own free will. Kaya lang syempre hindi ko maiwasang magtampo kay Dad.

"Okay naman po." Maikling sagot ko sa kanya sabay subo.

"I see. So kamusta ka na, 'nak?" Tanong pa uli nya.

"Doing great namam po."

Napatingin ako sa harap ko pero nakayuko lang si Krystal habang kumakain. Hindi ko mabasa ang expression nya. Akala ko ba maguusap kami? Eh simula pa kanina pagdating ko eh tahimik lang sya at panay si Daddy lang ang tanong nang tanong.

"Ay nga pala, Dani...kelan ka nga pala lilipat dito?" Maya-maya ay singit sa usapan ni Stephen.

"Di ko pa alam, bro. Di ko kasi maiwan si Lola eh." Sagot ko.

"Ahh sabagay. Si Jam naman kasi minsan na lang pumirmi sa bahay." Balewalang sagot nito saka nagpatuloy uli sa pagkain.

"Bakit required bang doon ka sa kanila tumira? Anak, kami ang pamilya mo. Dapat dito ka nakatira sa poder ko. Paano pa ako magiging tatay sayo kung hindi mo ako bibigyan nang chance?" Tila nagtatampong sabi nito.

"Dad, hindi naman po sa ganun..."

"David, ano ka ba. Kauuwi lang nang anak natin. Hayaan na lang muna natin sya doon sa mansyon. Bibisita ka naman madalas dito di ba, anak?" Baling sakin ni Mommy.

"Opo naman." Sagot ko na lang para matigil na ang diskusyon.

"Fine. So Krystal di ba may sasabihin ka sa kapatid mo?" Baling ni Daddy kay Tala.

"P-po?" Nabiglang sagot naman ni Krystal.

"Yung tungkol sa project mo. Yung sa Glaze Magazine?" Sabi pa ni Dad.

"Ahh Dad...kasi...baka h-hindi naman po p-pumayag si D-dani..."

"Bakit? Ano ba yun?" Tanong ko.

Napatingin naman si Krystal sakin at agad kong sinalubong nang tingin yung mga mata nya na hanggang ngayon ay wala pa ring kaemo-emosyon.

"Ahhh...kasi..."

"Cut the crop, Tala. Ano ba yung tungkol sa project mo?" Naiinis kong tanong.

Napabuntong-hininga na lang si Krystal saka inirapan ako.

"Yung magazine kasi naghahanap nang bagong mai-feature. And yung theme namin ngayon is tungkol sa successful young businesswoman. And ikaw kasi yung naisip kong pwedeng magmodel sana para sa project ko. So, yun...kung okay lang naman. Pero kung hindi maiintindihan--"

"Okay. Kelan yung photoshot natin?" I cut her off.

Nakita ko namang napangiti si Dad. Alam ko matagal nya na ding gusto na magkabati kami nang kapatid ko. Gusto ko rin naman eh. Siguro kelangan lang nang magandang timing para makapagusap kami nang maayos.

"Pwede ka ba this saturday and sunday?" Tanong ni Krystal.

"Well, I can arrange that. Sige ipapaschedule ko yan kay Tina. Yun lang ba?"

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon