Chapter 25

5K 154 5
                                    

"Why did you do it?" Tanong agad ni Mommy sakin pagkapasok na pagkapasok nya sa kwarto ko.

I was preparing my things papuntang office nang kumatok si Mommy sa kwarto ko.

"Ang alin?" Hindi lumilingon sa kanya na tanong ko.

Nagmamadali na kasi ako papuntang opisina. Anong oras na kasi akong nagising kanina kasi masyadong malalim na ang gabi nung makauwi ako galing sa bahay ni Daddy. May meeting pa naman kami sa Marketing Department mamayang alas nueve at ayokong nalelate ako.

Pero mukhang malelate nga talaga ako kasi 8:30 AM na andito pa rin ako sa bahay at mukhang may seryosong paguusapan pa kami ni Mommy ngayon. Hindi naman kasi sya basta-basta nangbubulabog nang kwarto nang may kwarto kung hindi importante.

"You hired a private investigator. Why, Danielle? What was that for?" Mahinahong tanong ni Mommy pero alam kong seryoso sya base sa tonong ginamit nya.

Napalingon naman ako sa kanya at nakikita ko sa mga mata nya yung hinanakit na hindi ko mawari. Napabuntong-hininga naman ako. For a moment, I lost my voice. I couldn't find the exact words that I should say. Kaya mas pinili ko na lang manahimik.

But Mom seems to have no intention of letting this day pass without knowing what' going on. I knew her. Hindi nya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang sagot sa mga katanungan nya.

"Danielle, I'm asking you!" Tanong ulit ni Mommy.

Agad ko namang iniiwas yung mata ko sa mga titig nya. Hindi ko kayang salubungin yung mga tingin nya. Kasi sa tuwing titingin ako sa kanya, naiisip ko kung bakit nila itinago sakin yung totoo. At sa totoo lang ayoko sanang pagusapan pa yung tungkol sa pagkatao ko. Kung pwede lang na ibaon ko na lang 'to sa limot yung mga nalaman ko. Pero syempre alam ko naman na hindi ko 'to basta-basta pwedeng balewalain at kalimutan.

"Mom..."

"Danielle, look at me and tell me what's going on." Utos nya sakin.

"M-mom, wala. Wala lang yun." Tanggi ko. Hindi ko pa ata kayang kumprontahin ang pamilya ko tungkol sa usaping ito.

"Danielle!"

"Mom, please...ayokong malate sa trabaho." Iwas ko sa kanya.

Akmang lalabas na ako sa kwarto ko nang bigla syang humarang sa dinaraanan ko. Kinuha nya yung phone nya sa bulsa nya saka nagdial nang numero. Maya-maya pa ay may kausap na ito.

"Yes, hello. Oh yes, Tina. Can you please cancel all Danielle's appointments today? It's urgent. Family matters. Oo. Yes. Please re-schedule all her meetings tomorrow. Yes, please. Okay, Tina. Thank you so much. Bye." Sunod-sunod na sabi ni Mom sa phone.

"Mom, what the hell? The last time I checked, Tina's my secretary not yours." Protesta ko agad sa kanya.

"We have to talk, Danielle." Mahinahaong sabi nito.

"What? Tungkol pa din ba ito sa private investigator? Mom, sabi ko naman sayo wala lang yun. May inutos lang ako dun. Hindi naman importante yun." Naiinis na paliwanag ko sa kanya.

Nahahapong naupo na lang ako sa gilid nang kama ko at inihilamos ang mga kamay ko sa mukha ko out of frustration. I'm not ready for this.

"Then what's this?" Sabi nito sabay marahas na pagabot sakin nang isang long brown envelop.

Kinuha ko naman agad yun at binuksan. Nanginig naman agad ako pagkakita sa laman nang envelop na yun. Mga pictures ni Victoria Luces! Oh shit! Paano napunta kay Mommy 'to?

"Bago ka pa magtaka kung paano ako nagkaroon nang ganito, I'll tell you what. Dani, you can't just hire someone para paimbestigahan ang isang bagay na ibinaon na sa limot sa sobrang tagal na nang pangyayari without me knowing about it. Maliit lang ang lugar natin. Malalaman at malalaman ko pa rin. I already paid that stupid investigator of yours, doble pa sa ini-offer mo para ibigay sakin ang resultang ito." Mariing sabi nito.

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon