Chapter Fifty Five

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko lang maiwasan na hindi malungkot.

~*~

"So, bakit kayo magkaaway ni Seb?" diretsahang tanong sa akin ni LJ na halos mabilaukan ako sa lunch na kinakain ko.

Lunch break. Hindi sumabay sa amin si Seb kumain at hinatak pa niya si Glen. Kung saan nag punta ang dalawang yun, I habve no idea pero hindi ko inexpect na tatanungin ako ni LJ nang ganito.

Napaiwas ako nang tingin.

"Hindi naman kami magkaaway."

"Sus. Kanina pa kayong dalawa nag iiwasan, eh," sabi niya. "Sa flag ceremony pa lang kanina, halatang halata na nag kakaiwasan kayo ng tingin."

"Oo nga halata ko rin!" sabi naman ni Chichi. "Kanina rin nung dala dala mo notebook naming, binulungan ni Seb si Glen na tulungan ka sa mga dala mo eh pwede naman siya ang gumawa? Tapos ngayon hindi pa siya sumama kumain ng lunch! Eh madalas yun sinasabihan kami ni LJ na hatakin ka namin para sabay sabay tayo mag lunch.

My face heats up. Hindi ko alam na sinabihan ni Seb si Glen na tulungan ako nor binibilinan niya palagi sina Chichi na isabay ako mag lunch.

I feel overwhelmed. Gusto kong magin masaya, at the same time, ito na naman akong naguguluhan sa mga actions ni Seb. Gusto ko rin malungkot dahil hindi kami nagpapansinan.

"Umamin ba sa'yo si Seb?" tanong ni LJ.

I gave her a confused look.

"Anong aaminin niya?"

"Na crush ka niya?"

This time, natuluyan na akong mabilaukan at agad akong uminom ng tubig. My eyes is watering habang sunod sunod ang pag ubo ko.

"OMG, umamin nga siya?" pang iintriga naman ni Chichi.

Pinakalma ko ang sarili ko and when my coughs die down, agad ko silang sinagot.

"Uy hindi! Hindi naman ako crush non," sabi ko sa kanila.

Pinanliitan nila ako pareho ng mata.

"Minsan 'di ko alam if manhid ka o indenial," sabi ni LJ. "Crush ka nun. Obvious naman!"

"S-sinabi ba niya sa inyo?"

Umiling si Chichi, "di naman niya kailangan sabihin, Iris! Obvious kaya 'no! Sobrang mag care sa'yo si Seb."

Napaiwas ako nang tingin, "hindi naman enough proof yun. Isa pa, parang may girlfriend."

"O ba't parang disappointed ka? Crush mo 'no?" pang aasar ni LJ na tatawa tawa siya.

Hindi ako umimik. Natigilan si LJ sa pagtawa.

"Wait. Crush mo nga?" this time mas seryoso na ang tanong niya.

Huminga ako nang malalim.

"Hindi ko alam gagawin ko," sabi ko sa kanila.

Kita ko ang gulat sa mga mata nila sa pag amin ko. Napatakip pa ng bibig si Chichi.

"Oh my god seryoso ba! Pinag uusapan lang namin kayo ni LJ! Sabi namin bagay kayong dalawa!" kilig na kilig na confession ni Chichi sa akin.

"Girl! Gusto ka rin niyang si Seb! Sobrang attentive niya kaya sa'yo! Dati ko pa yun napapansin eh. Pero syempre 'di ko naman binobrought up kasi well, iba ang type mo non," sabi ni LJ.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon