Chapter 23: After All

Start from the beginning
                                    

            Parang magic lang ang mga nangyari, kung paano siya nakawala sa masakit na nakaraan at napunta sa napakasayang kasalukuyan, with the same guy.

            "Ano 'yang binili mo?" Marky asked pagkapuwesto niya sa passenger seat ng sasakyan nito. Nakanguso ito sa yakap-yakap niyang paper bag.

            "Secret." Iniwas niya ang tingin. "Tara na dun sa resort!"   

"Tara na po sa resort, Daddy!" Pag-second the motion ni Alannah sa backseat.

            Napangisi si Marky kasabay ng paghawak sa kambyo. "Ano pa nga ba? Malakas kayong dalawa sa akin eh."

            Napalapad ang ngiti ni Monic sa mga narinig.

            Falling back to him felt like the most right thing to happen. Humigpit ang pagkakayakap niya sa paper bag para pakiramdaman ang pagwawala ng puso niya. This, must be right.

                                                                                                ***

HINDI NA TUMIGIL sa pag-ngiti si Marky mula nang mapapayag niya si Monic na sumama sa kanila ni Alannah na mag-swimming, hanggang sa makarating na sila roon sa resort. Masaya na siyang makita na masaya ito at pati na ang kanyang anak. Masaya siya na magkasundung-magkasundo ang mga ito.

            Pinili ni Marky na upahan ang isa sa mga cottages sa tabi ng kiddie pool at sumang-ayon naman sa pinili niya si Monic. "Perfect" pa nga ang komento nito kanina.

            Marky found everything to be happening perfectly and felt that all would end up perfectly as well. Nagkakasundo sila ni Monic maging sa mga bagay na may kinalaman sa anak niya. Kung paano nito pakitunguhan at asikasuhin si Alannah, nakikita niya, na magiging napakabuti nitong ina rito.

            "Daddyyy!"

            Abala siya sa pagpapaypay sa pinaparikit niyang ihawan nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Alannah. Nang lingunan niya ito, napangiti siya. Ang cute-cute kasi nito sa nabili nilang bathing suit. Pero ang ngiti niya, nauwi sa bahagyang pagnganga nang malipat ang paningin niya sa babaeng nakaakay sa kanyang anak—kay Monic na naka-bikini top at napakaiksing maong shorts.

            Inasahan naman niya iyon. Siyempre, swimming nga eh. At nakita na rin naman niya dati si Monic sa ganung getup. Pero iba ngayon si Monic eh. No, Monic was still simple, but damn hotter.

            "Mag-swimming na kami ah, Marky?" Masayang paalam ni Monic.

            "S-sige, sige." Kaysa paypayan ang uling na pinaparikit ay sa sarili siya napapaypay.

            "Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Dagdag pa ng dalaga.

            "Mm, walang problema. Sige turuan mo nang mag-swimming 'yang napaka-sexy kong prinsesa."

            Napatakip ng bibig si Alannah at pigil na natawa. Napangiti naman si Monic bago niyayang maglagay ng sunblock ang bata at kunin ang mga cute na salbabida sa cottage nila.

            Kuntento si Marky habang nag-iihaw ng mga naka-stick na hotdog at marshmallow. Wala eh, request na pagkain iyon ng anak niya eh. At saka napapanood din naman niya 'yung dalawa dun sa pool mula sa puwesto niya. Naaaliw siyang panoorin kung paano turuan ni Monic na lumangoy ang anak niya. Ang tiyaga lang nito.

            Nang matapos sa pag-iihaw ay umupo siya sa pintuan ng cottage habang kumakain ng hotdog na inihaw niya at habang pinapanood 'yung dalawa. He was enjoying himself, nang may bigla siyang mapansin na kakaiba sa paligid. Kanina puro bata lang ang nandun sa pool eh. Ngayon, nagkaroon na ng tatlong lalaki na kaedaran lang yata nila ni Monic. At ang mga walang-hiya, maya't mayang nililingunan si Monic, tila gusto magpapansin.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now