Chapter VIII: Her Story

2 0 0
                                    

Tyr's POV

Nasa opisina na ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ng basagulerang yun sa akin. Nakatingin ako sa blanket at pillow na kaamoy na kaamoy niya. Could it be that doing that is her way of saying thank you?

I sighed and went back to work. I need to run a company. Nakarinig ako ng katok sa pinto.

"Boss, your grandpa called. I'm transferring the call to you, po." Imporma ng sekretarya ko. Agad kong sinagot ang tawag ng nagring ang telepono ko sa opisina.

"Yes grandpa?" Agad kong sagot dito.

"Take a leave for three days, Apo. I need you here." Nabigla naman ako sa sinabi niya.

"Grandpa, three days is too long! Asan po ba kayo?" Usisa ko. Ayaw kong iwan ang company para lang mag bakasyon kasama si Lolo.

"Oh! We're at our farm and we'll visit my friends golf club later, come on Apo. Matagal na nung huli tayong nagbonding. Lagi ka nalang andyan sa company. Pati nga sa mga trainings mo hindi ka na umaattend. Aba't malapit na ang importanteng event na yun nge buhay mo." Mahaba nitong paliwanag sa akin. If I could just pass it to my brother I would, mas gusto ni William yun.

"Pero, grandpa." Bahagyang tutol ko.

"Please Apo, just this once. Pagbigyan mo na ako." I sighed. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang hindian si Grandpa. Sino ba kasing niloko ko.

"Okay, grandpa. I'll finish what I need to do for my three days leave or magdadala nalang ako dyan. See you later, po." Paalam ko dito. I need to work my ass off.

"Boss, you have a scheduled meeting with General Alter Chrystian Vandellion at 09:45 a.m." Anunsyo nito sa akin.

"Okay just remind me 10 minutes before the scheduled time. Thank you." Alter is Ms. Basagulera's cousin, he's prim and proper unlike his cousin na kung umasta parang hindi babae.

An hour later, narinig ko ang muling katok ng secretary ko. Tumayo na ako at naglakad papunta sa restaurant kung saan kami mag me-meet ni Alter.

"Hey bud!" Bati sa akin ni Alter ng makita niya ako.

"Hey! Kumusta?" I asked. Hindi kami nakapag-usap ng matagal kahapon dahil na rin sa pinsan niya, nagmamadali din siya dahil may appointment siya sa head nila.

"Dapat ata ako ang magtanong niyan sayo." Tawa siya ng tawa, ng nawala ang ngiti ko dahil naalala ko ang pinsan niya. "Okay ka lang bud? Anong ginawa ni Thena?" Tanong niya ulit sa akin.

"I'm fine bud pero kakasuhan ko talaga yang pinsan mong basagulera. Pag ako hindi nagkaanak, siya ang sisisihin ko. Mapapatanong ka talaga bakit siya nagkakaganyan, may sakit ba siya sa utak?" Naiinis na reklamo ko dito. He tapped my shoulder pero hindi nakatakas sa tingin ko ang lungkot ng mata niya.

"Pagpasensyahan mo na siya, bud. Her life...was never easy." He sighed deeply. Tila pinipigilan na magsalita para hindi masaktan.

"What do you mean, bud?" Usisa ko dito. Kahit naman naiinis ako sa pinagagagawa sa akin ng pinsan niya, I still wanna know the story behind that fierce face. During the engagement party, wala naman akong planong makialam.

I'm not the type of person that sticks their nose to someone else's business pero nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga nito nung makitang nagsama ang buong pamilya sa harapan niya. And that's when I know I needed to step in. To feed my curiosity about her past, I tried to ask Alter.

She's A Pretty PoisonWhere stories live. Discover now