Chapter II: Engagement Chaos

2 0 0
                                    

Nang makarating ako sa venue, sinuot ko na ang maskara at pinapark sa valet ang kotse ko. I saw how the valet's eyes widen while looking at me. I guess, kilala pa rin ako ng mga empleyado ko kahit may tumatakip sa mukha ko.

"Good evening, Madamme!" Bati niya sa akin at nag bow.

"Good evening, please park my baby safely."

"Yes, Madamme." Tugon nito at saka minaneho ang sasakyan ko.

I graciously walked towards the entrance at pinakita ang invitation ko sa guard na nagbabantay sa labas ng venue. Chineck niya ang pangalan ko sa guests, at nanlalaki ang matang pinapasok niya agad ako ng makita ang pangalan ko sa VIP.

He bowed at me and lightly shut the door behind me. Kitang-kita ang tingin ng lahat sa akin habang pababa ako ng hagdan patungo sa venue. Paano ba naman nagsimula na ang event pagkadating ko.

"Ma'am, what's you're name, po?" Tanong ng sa tingin ko ay usherrete sa party.

"Athena Chrysta Vandellion" sagot ko dito.

"Let me guide you to your seat, ma'am. This way po." Saad nito at naglakad patungo sa harapan. Sinundan ko siya patungo sa front row ng event, I think the table for the Company partners. Ang pinagtataka ko bakit? I'm not even their partner for fucking piece of shit sake.

Isinawalang bahala ko nalang ang iniisip ko ng makarating sa isang mahabang table. There are only two chairs available. Mukhang hindi lang pala ako ang late.

I was motioned to sit across the blank chair. I didn't bother to gaze at other people in the table. I came here for a very particular reason and not to engage in negotiations.

Pero bago maupo, naagaw ang pansin ko ng isang pamilyar na disenyo sa stage. I carefully examined the design, only to find out why it's familiar to me. This was supposed to be my event five years ago. I guess, wala pa ring originality ang kumpanyang to. I decided to sit on the chair and relaxed myself, only to be disturbed by a freaking man.

"So, you're the infamous Ms. AV of the Vandellion Technological Company." Saad ng isang lalaki sa tabi ko. I gazed at him coldly.

"Now, what?" Malamig na tugon ko dito.

"I'm Chad Mirabella, owner of the Mirabella-"

"And I don't care." Pagbabara ko dito. Alam ko na ang mangyayari after he introduce himself, so, it's better to cut it out sooner.

"Aba't! Ang yabang mo ah! Kilala mo ba kung sinong binabastos mo?! Babae ka lang, kayang-kaya kitang patumbahin ngayon mismo." Galit na saad nito. I smirked at him na ikinagigil niya lalo.

"I am not a typical business woman Mr. Mirabella, hindi din ako basta-bastang babae na pwede mong sigaw-sigawan o saktan, dahil sisiguraduhin kong mamamatay kana bago mo pa magawang saktan ako. And for the record, I know you and the Mirabella Incorporation, the well known and fast rising steel company, right?" Tanong ko dito. He raised his head high at me.

"Yes." Hambog nitong tugon sa akin. "We are so close to beating every steel company in the Philippines-"

"Really?" Putol ko ulit sa sinasabi niya. "Be careful Mr. Whoever-you-are, boasting a company that's a product of stealing and illegal transactions would lead you to nowhere." Nanlalaki ang mga mata ng mga taong kasama namin sa table na tumingin sa akin mas lalo na si Mr. Mirabella.

"Stop spouting lies you bitch!" Sigaw niya sa akin.

"I'm not. Why are you so defensive anyway? See? I know you Mr. Mirabella and I can ruin you anytime I want. You will never knew what I'm capable of unless you experience it. Ikaw ba? Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" Balik ko sa kanya na ikinatahimik niya. A while later, tiningnan niya ako na parang nagbabanta ngunit sinuklian ko ito ng nakakaasar na ngiti.

She's A Pretty PoisonWhere stories live. Discover now