Chapter V: Atty. Harlow

1 0 0
                                    

Nang makarating ako sa airport, agad kong hinanap si Lolo. I should be ready to face the dragon. I saw him on the waiting area looking so mad while pressing his phone. Lumapit ako sa kanya.

"Lolo!" I hugged him tight. Kahit takot ako mas namayani ang pagkamiss ko sa kanya.

"Oh! Hello apo. Antagal mo akong pinaghintay ah. Buti nalang may games akong na download sa phone ko." Saad nito at binalik sa phone ang atensyon niya. Sumilip ako sa nilalaro niya only to find out that he is playing Temple Run. He pressed start and started playing the game. Two minutes later, he cursed dahil nahulog yung player sa bangin. I chuckled at tiningnan niya ako ng masama.

"Tara na Lo, kailangan mo pang magpahinga. I'm pretty sure may jetlag ka pa." Aya ko dito at kinuha na ng mga guards ang mga gamit ni Lolo para isakay sa van. Sumakay na din kami ni Lolo sa kotse ko papauwi.

Habang nagmamaneho ako pauwi pinagpatuloy ni Lolo ang paglalaro, sa duration ng byahe ilang "magical words" din ang narinig ko mula sa kanya. Nang mapagod siya ay binaba na niya ang phone niya.

"Apo" tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Yes po lo?" Tugon ko dito.

"Balita ko nakipagsuntukan ka daw kanina?" I gulped.
Bigla kong hinanda ang sarili ko sa makabagbag damdaming pangaral mula kay Lolo. Kung makatalak kasi siya parang babae.

"I'm sorry, lo. Pero kainis kasi yung babaeng yun. Kung ano-anong pinagsasabi sa maraming tao. I'm just protecting you lo, I'm sor-" naputol ang explenasyon ko ng magsalita si Lolo.

"Sayang, sana nakita ko. I'll be the proudest Lolo if I saw you punching someone like Manny Pacquiao." Proud na saad niya na ikinabigla ko. Kinabahan ako para sa wala.

"Minsan talaga Lo, ang hirap niyong espilingin." Tudyo ko sa kanya.

"Oh! It's easy to spell my name apo." Tugon niya sa akin na ikinangiti ko.

"That's not what I meant lo." Natatawang saad ko.

"Oh! I'm sorry Apo. Ayusin mo kasi." Natawa ako. Ako pa talaga ang sinisi.

"Anyway, you said you're coming with a friend, lo? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ko sa kanya. He looked at me with dismay.

"Ngayon mo lang talaga tinanong? Well, sinundo siya ng Apo niya kanina. Sayang hindi mo naabutan. His Apo is handsome, bagay kayo. You know what, you should date." Kinikilig na saad niya sa akin. I shrugged my shoulders.

"Ikaw lo, kung kani-kanino mo nalang ako nirereto. Baka makapag-asawa ako ng hindi ako aalagaan ng tama." Kontra ko sa sinabi niya.

"Hindi apo, mabubuting tao kaya yung nirereto ko sa iyo palagi." Laban niya sa akin.

"Oh! Name one Lolo." Pang-chachallenge ko sa kanya.

"Ace Santos"

"Masyadong hambog." Side comment ko.

"Quier Poztoxtal"

"Masyadong picky sa pagkain" tugon ko ulit dito.

"Anton Guevarra"

"Masyadong chick boy. Kaharap ko nga pero yung mata nasa lahat ng babaeng dumadaan." Comment ko ulit.

"Seth Drafelo"

"Laging English spokening dollar. Kapagod kaya makipag-usap sa kanya lo."

He suggested more names but I rebutted him. Until he just gave up.

She's A Pretty PoisonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora