Chapter VI: Basagulera VS. Bisugo

4 0 0
                                    

Tyr's POV

Nakatingin ako sa kliyenteng na'sa harap ko ngayon.

"So, I need your statement about what happened Ms. Athena Chrysta Vandellion. Ano bang nangyari?" Putol sa katahimikan. Alter left already dahil may meeting pa siya with the other generals. She opened a lollipop and placed it in her mouth.

"You were there Mr. Attorney, so why ask?" Balik tanong niya sa akin. I heaved a deep sigh, kung ganito siya I'm pretty sure that I can't deal with her that long. My patience is as small as string.

"I wasn't there beforehand, Ms. At hindi ko din alam kung anong dahilan ng pag-aaway niyo." Saad ko dito.

"Well, she insulted me and physically attacked me, what do you want me to do?" Nang-iinsultong saad nito.

"What did she say that triggered you?" Tanong ko ulit.

"She called my grandfather my sugar daddy." Walang bahalang sagot nito. Ang babaw naman ng babaeng to.

"Is that true?" Tanong ko ulit.

"Of course not! Kakasabi ko lang na Lolo ko diba? You're slow for an attorney." Irap ko dito.

Athena's POV

"I'm a CEO and a private attorney at the same time, so I'm not slow. I'm just validating." Bara nito sa akin. Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang sinara ang laptop niya at tumayo na. Iiwan niya ba ako dito? I boredly looked at him, waiting for him to talk.

"I will just file a petition for bail, you just need to wait here until tomorrow-" Sabi nito sa akin na ikinatawa ko. Tiningnan niya ako na para bang baliw ako.

"I thought you are as powerful as my lawyer but turns out that your powerless. Tawagan mo ang attorney ko, I know El could get me out of here right now unlike you." Pang-iinsulto ko sa kanya bago ako tumayo para umalis pero bago pa ako makaalis he called me.

"I'm just following the legal process, Miss Basagulera!" Nahinto ako sa paglalakad dahil sa tinawag niya sa akin. Humarap ako sa kanya ulit.

"What did you just call me?" Pagka-klaro ko sa sinabi niya kahit pa malinaw sa akin ang narinig ko.

"Why? Did I hit a nerve? Pero totoo namang basagulera ka diba? You keep on causing trouble everytime we meet. Basagulera na nga, brat pa!" Maikli lang ang pasensya ko kaya madali lang akong mainis. Nilapitan ko siya at akmang susuntukin ko na pero naharang niya lahat ng suntok ko na mas lalo kong kinainis.

"Talagang basagulera ako pero kahit kailan hindi ako nagsisimula ng away and for your information I'm NOT A BRAT! Bakit andun ka ba the whole time nung ininsulto ako? Wala ka dun! Wala kang alam!" Nanggigigil na saad ko sa kanya habang sinusubukan kong makaisang suntok sa gwapo niyang mukha. What the f-ck! Gwapo? Mukhang bisugo niyang mukha pala.

Magaling siyang makipaglaban pero hindi siya pumapatol sa suntok ko, he's blocking my attacks. Halos napagod na ako kakasuntok sa kanya pero hanggang ngayon hindi pa rin siya lumalaban.

"Stop being a brat right now, Ms. Basagulera. You are supposed to be thanking me than physically assaulting me." Saad niya habang sinasalag parin ang mga atake ko.

Tiningnan ko siya ng matalim dahil sa sinabi niya. I smirked at him na mas lalong nakapagpalito sa kanya, kung normal lang siguro akong babae, nagalit na ako. But I'm not a normal girl. And I usually take insults as a compliment.

"Say it again, it sounded good." Saad ko. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Who wouldn't be right?

"Call me with another name, yung makakapagpagalit sa akin if that's what you wanted to see." Paghahamon ko pa dito.

"Would you let me call you a whore?" Suggest niya.

"Masyadong lame." Komento ko.

"Bitch, then." Napairap ako sa sinabi niya.

"Nope. Call sign namin yan ng mga kaibigan ko." Kontra ko ulit dito. Mas lalo siyang nabigla sa sinabi ko, kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Slut?" Amused na tanong niya sa akin. I yawned at him.

"Call sign namin ng attorney ko yan." Tugon ko ulit.

"Oh. I should call you a mistress then? Kabit ng matanda. How about that?" I immediately looked at him using my deadliest eyes. Call me names, I can take it but mistress? Tapos dinamay pa talaga si Lolo, mabilis mapugto ang pasensya ko pag ganyan. I closed my eyes trying to calm myself.

"Oh! Natahimik ang kabit ng matanda." Tudyo pa ulit nito sa akin and my last straw of patience was immediately cut. Lumapit ako sa kanya at dinambahan siya ng suntok.

"Stop calling me a mistress!" Sigaw ko dito at mas lalong linakasan ang mga suntok ko, hanggang sa natamaan ko ang mukha niya. Napanganga ako sa nagawa ko. Nakakamatay na tingin ang binigay niya sa akin, lumapit siya sa akin at wala akong choice dahil wall ang nasa likuran ko.

"Stop right now!" Kalmadong saway niya sa akin.

"Make me!" Hamon ko sa kanya na pinagsisihan ko ng malala.

Agad na hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa itaas ng ulo ko. I'm breathing heavily while his gaze was on my face. He pinned my hand on top of my head hard when I moved a little. I bit my lips out of nervousness.

"If you wont stop then..." His gaze went straight to my lips. Nilapit niya ang mukha namin sa isat-isa to the point that our face is only an inch apart and our nose is touching each other. Ramdam na ramdam ko rin ang mabango niyang hininga. He looked at me with a glint of adoration in his eyes na siyang pinagtataka ko.

Hindi ako makagalaw sa takot na baka maglapat ang labi namin pag gumalaw ako but my heart is beating insanely fast which is weird. My past lover and I kissed each other back then but my heart never beat as much as it's beating now.

"I'll kiss you hard right here and right now." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad na gumawa ng paraan ang katawan ko para iwasan siya. A while later, I heard his groans of pain while he's lying on the floor hawak-hawak ang kayamanan niya.

Natuhod ko kasi ang alaga niya. I immediately thought of escaping the room, pero na realize ko rin na deserve niya naman kaya umupo nalang ako at pinakinggan ang malutong niyang mura.

"You Rabble Rouser! Tangina! Ansakit! Shit!" Paulit-ulit niyang saad habang nagsimula na akong kumain ng dala ni Kuya kanina.

"Pag hindi na to tumayo, makakatikim ka sa akin! Bwisit ka!" Inis na saad niya sa akin habang unti-unting tumayo.

"Siguraduhin mo lang na masarap ka kung patitikmin mo ako. Gusto ko worth it ang sarap niyan." Saad ko dito na ikinanganga niya ulit.

Agad akong kumuha ng pagkain at agad na lumapit sa kanya. Nakanganga pa rin siya kaya pinasok ko ang kutsara na may pagkain sa bibig niya.

He choked because of what I did at isang masamang tingin ang sinukli niya sa akin pagkatapos niyang pilit na linunok ang pagkain sa bibig niya. I acted dumb na parang wala akong ginawang masama.

"What? Nakanganga ka. I thought you're hungry. Concerned lang naman ako sa iyo." I reasoned out, dahilan para mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya.

"You're crazy!" Inis na saad niya sa akin at kinuha ang gamit niya.

"Thank you so much!" I replied. He looked at me with disbelief written all over his face.

"Anyway, I'm expecting to get out of here, now. Prove to me that you are one hell of an attorney." Hamon ko sa kanya bago naunang lumabas sa pinto. Pero agad akong bumalik para sabihin ang importanteng announcement.

"Oh! And also, bawal pala dito sa precinct ang magkalat so please pakilinis na din nito. Thanks!" Nang makitaan ko ng pag-angal ang mukha niya, agad kong hinila ang door knob para isara ang pinto.

She's A Pretty PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon