Epilogue

295 5 6
                                    

Kinagabihan ay nagsama sama nalang kami rito sa labas na malapit lang naman sa cottage namin, overnight pala ang pagrent nila dad sa isla kaya hanggang ngayon ay nandito parin kami.

Marami kaming ginawa kanina, natagalan kami sa paglangoy at naglaro rin sa dagat ng kung ano anong maisipan, syempre bida sina Ryu at Lia.

Speaking of Lia, kanina ko pa napapansin ang mga pinupukaw niyang tingin sa 'kin. She was glancing at me time to time at parang may kung anong pinoproblema, para siyang natataranta o ano.

Nakapalibot kaming lahat at may nakasinding bonfire sa gitna, medyo malamig na kasi lalo na't gabi na.

tinignan ko naman ang ilan sa mga kasama ko, parang may sarili naman silang mundo. Ang magjowa na sina Ryu and Yeji ay nasa cottage na kasi raw nilalamok sila, syempre palusot lang nila 'yon para makapagsolo.

Binalingan ko sila na sobrang sweet doon sa cottage na nakaupo, edi kayo na! Sakit niyo sa mata!

7pm pa lang naman at sabi nila ay uuwi kami before mag-ten.



Medyo inaantok na rin ako at hindi ko alam kung ano pa bang inaabangan namin dito e kung hindi naman kami nag-uusap usap, may mga sarili silang mundo.





"hey, big baby..usap tayo" naramdaman kong tinapik nang mahina ni ate ang kamay ko, medyo malamlam narin ang mga mata nito at inaantok na rin ata.

tumango nalang ako kahit hindi pa rin ako sanay sa tinatawag niya sa 'kin ngayon, big baby? ewan ko sa 'yo, ate!

Nagpaalam muna kami sa mga kasama namin na mag-uusap lang saglit at sumang-ayon naman sila kaagad, hinatak na ako ni ate patayo tsaka pinaikot ang braso niya sa bewang ko.

"what's bothering you, huh?" tanong niya habang naglalakad na kami ngayon.

"w-wala naman, ate.." nagkatinginan kaming dalawa at nakita ko ang mabilis na pagtaas ng isa niyang kilay, she's not convinced.



"you can't lie to me." mahinang asik niya.

napahugot ako ng isang malalim na buntong hininga at pumikit pagkatapos, i guess it's time, alam ko namang mabibigyan ako ng advice ni ate sa mga nararamdaman ko ngayon.

"n-nasaktan ko siya." malungkot na saad ko na napayuko pa, we didn't stop from walking.

I feel her hands softly pinched my right arm, parang mas lalong bumigat ang paghinga ko sa ginawa ni ate

"sabi ko sa sarili ko dati na, hindi ko siya sasaktan o hindi ako gagawa nang ikasasakit niya..but i already did." pagpatuloy ko, para namang gusto lang talaga makinig ni ate sa mga nararamdaman ko.

"I was aware that she had a cruel past with someone that ended up hurted her, kaya ginawa ko ang lahat para magtiwala siya sa 'kin..na hindi ko siya masasaktan but i also did the same, that sucks ate taeng. Ang tanga ko." naramdaman ko nalang na nagsibabaan na pala ang mga luha kong kanina pa nagbabadya habang naglalakad kami ni ate sa dalampasigan.

"sshh, you hurted her but that doesn't mean na tanga kana. Lahat tayo nagkakamali..sometimes, we need to do such stupid things to learned from that mistake, you've learned, didn't you?" tango lang ang naging sagot ko at tumigil na kami sa paglalakad, humarap kami sa umaalong dagat.

parang ang agos ng dagat ay nanunumbat sa 'kin, ewan ko pero ganiyan ang nararamdaman ko.

"yes, ate..i've learned that those mistakes that we made have always consequences in the end. She left me."

Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon