01

1.5K 19 4
                                    

Hoy! 'Wag ka ngang tumunganga lang, help us here!” natinag ako sa pagtitig sa labas nang lapitan ako ni Giselle at tapikin sa braso. Sinamaan ko siya ng tingin kase epal siya, may nakita pa naman akong magandang babae sa labas na nakatingin din sa bintana katulad ko.

tangina, straight na ulit ako e bakit naman nagbigay agad kayo ng sign lord.

Nilapitan ko nalang ang dalawa kong kasama dito sa apartment namin, actually kalilipat lang namin ngayon dito dahil kakagraduate lang namin at matagal na namin talagang plano ang magsama-sama na tumira sa iisang bubong.

exciting naman siya pero mas maeexcite ako kapag nakilala ko ang isang magandang babae kanina.

tapat lang siya ng apartment namin kung saan siya sumilip, i'm hoping na diyan din siya nag-iistay..

Napabalik ako sa huwisyo nang matalisod ako, puta tinawanan naman ako ng dalawa..

Ang tanga naman ng sahig..” sabi pa ni Ryujin, tinaasan ko agad siya ng kilay at umamba ng hampas pero nailagan niya 'yon

Bakit ba kanina kapa tulala, Win?” tanong naman ni Gi na bigla nalang sumulpot sa harapan ko


wala..” maikli kong sagot tsaka tinulungan silang mag-ayos ng mga gamit namin, konti lang ito kung tutuusin. Ang mas maraming dinalang gamit ay si Giselle, mukha ngang naglayas pa dahil dalawang maleta lang naman ang dinala papunta rito.

Si dad ang nagrecommend na gamitin namin ang van for service papunta dito at siya rin ang naghatid sa amin, nung una ay hindi siya pumayag sa plano namin na tumira sa iisang apartment kasama ang mga kaibigan ko pero malakas ako sakaniya kaya sa huli ay napapayag ko siya...

ang bilin niya lang sa'kin..

huwag mag-boboyfriend nang hindi ko nalalaman..

natawa ako nang palihim nang sambitin niya 'yon, don't worry dad, mag g-girlfriend nalang.


hey, you look like an idiot! Ngumingiti ka mag-isa diyan!” tinarayan ko lang si Giselle na naglilipat ng lamesa, ang ginagawa ko naman ay, hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko dahil hawak ko lang naman ang remote ng tv at nakasandal sa couch..


Sabi ko naman kase sakanila pwedeng 'wag na kami ang mag-renovate o design ng bahay pero mas maganda raw kapag kami ang mag-aayos ng mga gamit namin para maiwasan ang may masira.


Pa'no kase nagdala kayo ng maraming gamit!

pagkadating namin dito kanina ay may mga gamit na dito at kompleto rin, so it means ang dapat na dinala lang namin ay mga damit at kung ano anong bagay na lagi naming ginagamit, natawa ako kay Ryujin nang magdala ng sandok at hindi daw alam ng bruha kung bakit naisama 'yon doon sa maleta niya.

Mababait naman ang magulang ng dalawa kaya pinayagan din daw sila kase kasama ako. Oh 'diba mas may tiwala sa akin sina tita kesa sa sarili nilang mga anak.

Nagugutom na'ko mga bebs..” biglaang sabi ni Ryujin na nakapout pa, oo nga 'no hindi pa pala kami kumakain simula pa kanina sa mga bahay namin.

ako na ang mag-oorder, what do you want ba?” baling ko sakanilang dalawa, mukhang tapos naman na silang maglagay ng mga damit nila sa cabinet. Hindi kami magkakasama sa iisang kwarto, dahil ayoko.


Isang beses na nag sleep over sila sa bahay namin, pagkagising ko nasa sahig na'ko, kaya nung mahanap namin 'tong apartment ay inuna ko talaga tignan kung may tatlong kwarto dahil ayoko nang makasama sila pati sa pagtulog ko. Second floor lang itong apartment namin, ang sa baba ay may sala, dining area at may cr siyempre tama lang ang laki para sa'min kung tutuusin ay pwede na ang isang buong pamilya rito.

Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon