32

162 9 22
                                    


Three days had passed simula no'ng gabing 'yon, nagtuloy ang araw ko na hindi siya nakikita o nakakausap manlang. Nasaktan ko siya and i'm aware of that.

tatlong araw rin na hindi ko maramdaman ang dalawang kaibigan ko, kahit na sabay kaming kumakain o kaya minsan ay nanonood sa tv ay wala kaming kibuan.

Ang akala ko ay magtatanong na sila o i-coconfront ako pero ni-isang salita ay wala akong narinig sakanila after nila akong sermonan.

Andito pala ako ngayon sa bahay namin, kasama sina ate and dad..

kinabukasan kasi no'ng mangyari 'yung huling pag-uusap namin ni Karina sa labas ng apartment namin ay saktong pinauwi rin ako ni dad dito, nalaman niya na rin kasi ang mga ginawa namin tungkol kay Min.

As i expected, nagalit siya hindi lang sa 'kin pati narin kila ate, hindi raw siya nasabihan at kumikilos daw kami nang wala sa tama.

Naiintindihan ko si dad dahil nga galit siya sa pamilya ni Min at pinutol na ang connections sakanila kaya nakatikim lang naman kami ng malulutong na sigaw sakaniya no'n kinabukasan.

Hanggang ngayon ay nakahilata parin ako rito sa kwarto ko, para akong nakalutang sa kawalan dahil sa guiltness na nararamdaman ko sa dibdib. I hurt her, sariwa pa sa utak ko ang imahe niyang nakatingin sa mga mata ko at sinasabing kailangan niya rin ako.

Am i too much sa kaniya? Galit ba siya sa 'kin? Malamang Winter!

Para akong tanga na iiyak at bigla nalang kukunot ang noo dahil sa mga iniisip ko tapos kokontrahin naman ng utak ko.

I wanna talk to her, gusto kong magkaayos ulit kami!

Pero paano nga kasi winter?! Sinaktan mo siya!

Bigla ko namang naangat ang ulo ko sa pagkakadapa nang marinig ko ang phone kong tumunog, kinakabahang kinuha ko ito sa study table ko na nakapatong.

you have received 2 new messages from Ning.

2 days ago? Bakit ngayon lang nag-notif?

Napasapo nalang ako sa noo ko dahil naalala kong nawalan pala kami ng wifi no'ng isang araw, grabe naman! Ngayon lang bumalik ang net!

Nangunot ang noo ko dahil sa nag-message, wala akong maisip na dahilan kung bakit ako minessage ni Ning pero kahit gano'n ay in-open ko nalang ang conversation namin.

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa biglaang panginginig ng kamay ko, she sent me a video.

Thumbnail palang ay ang mukha na ni Karina, hindi ko ma-figure out kung nasaan siya kaya mabilis kong clinicked ang video.

Pataas nang pataas ang kilay ko habang unti unti ring narerealized na may nakaligtaan ako, shit!!

what the f..uck winter!

Bakit ko nakalimutan 'yon?? Dati kana ba talagang tanga! Nab-bwisit ako sa sarili ko! Gusto kong sumigaw at umiyak!

Pabagsak kong nilapag ang phone ko sa kama at napaupo, binasa ko ang huli pang message ni Ning doon.

I don't know why..but i hate you! For hurting my bestfriend, i hope nang dahil sa sinend kong video ay marealized mong you're lacking!

Isa isa na namang nag-unahan ang kanina pa nagbabadyang luha ko.

what have i done?! Karina!

Wait for me, aayusin ko 'to, aayusin ko tayo.

Parang bigla akong nabuhayan nang loob at parang tangang nagmadali sa pagdampot ng towel at dire-diretso sa cr, kailangan ko siyang makausap, kailangan kong mag-sorry. For giving her so much pain at sa pagkukulang ko bilang girlfriend niya.

Into You (Completed)Where stories live. Discover now