11

210 6 1
                                    



Tahimik kaming nag-didinner ngayon kasama sila Giselle and Ryujin dahil nga kaming tatlo nalang ulit ang magkakasama sa apartment, nitong umaga lang umalis si Somi.




There's a guilt building up inside me dahil sa nagawa ko kagabi, alam kong nasaktan ko ang pinsan ko lalo na at nasampal ko pa siya, i wanted to talk to her pero huli na, dahil pagkagising ko kaninang umaga ay nakaalis na pala siya. Gusto kong mag-apologize sa pagsampal at pagbitiw ko ng masasakit na salita sakaniya kagabi




Although gumaan naman ang pakiramdam ko dahil dinamayan ako ni Karina kagabi sa apartment niya, wala kaming ibang ginawa ha, nag-kuwento lang ako sakaniya about kay Minju at kung paano kami nagsimula.




Siguro nga tama naman ang desisyon ko about sa work things out ni Karina, at kung ano man ang meron kami ngayon ay hindi ko pagsisisihan dahil masaya ako, masaya ako kapag kasama ko siya at gumagaan ang pakiramdam ko.



"Winter!" kaagad nabaling ang paningin ko sa dalawa na nakataas pa ang kilay sa akin




"huh?" tanging sagot ko.

"kanina kapa tulala, hindi mo pa binabawasan pagkain mo.." ani Ryujin na seryoso nakatingin sa akin.


"Is there something bothering you, win?" pag-eenglish ni Giselle, na kakitaan mo ng bahid ng pag-aalala



I sigh heavier "Naguiguilty parin k-kase ako"

"about last night?"



dahan dahan ang naging pagtango ko na kay Gi nakaharap "I really want to apologize to my cousin pero paano?" namomroblemang tanong ko sakanila


"Grabe ba namang pagsampal 'yon, sana nilakasan mo na para pambawi do'n sa ginawa niya sa amin--" Agad siyang inambaan ng katabi niya ng batok dahil lahat ng mga sinasabi niya ay walang dulot.


"No jokes, this time." suway sakaniya ni Gi, sinimangutan niya lang ito at nagpatuloy sa pagkain niya


"Come on winter, galawin mo na 'yang pagkain mo" utos ni Gi kaya sinunod ko naman ang sinabi niya, wala rin namang mangyayari kung tutunganga lang ako buong maghapon.


"nga pala, pupunta raw dito si bebe mo mamaya.."


"sino?" curious na tanong ko habang nakakunot ang noo


"sabihin mo lang kung wala kang maalala ha? at iuuntog kita sa pader" dagdag pa ni Ryujin, sinamaan ko siya ng tingin


tumingin kami sa pwesto ni Gi nang napatawa siya "She's talking about karina, pupunta raw siya mamaya!


"pwede naman siyang pumunta anytime, parang maglalakad lang naman ng sampung beses.."


"Ininform ka lang namin, tanga. Baka kasi mamaya magdadrama kana naman sa kwarto mo!" bastos rin 'tong bunganga ni Ryu e.


"tsk!" singhal ko sa dalawa, natawa lang sila sa inasta ko.


Sabay sabay kaming nagtungo sa salas nang matapos sa pagkain, plano kasi naming manood ng movie kasi sabado at eto na ang nakasanayan namin, every weekend manonood ng movie o 'di kaya lalabas at kakain.


Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang may kumatok sa pintuan, si Ryujin na ang nagkusa na buksan 'yon dahil malapit siya sa pinto, hinintay naman namin ni Giselle na tumambad ang kung sino man ang nasa labas.



Into You (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang