04

259 11 0
                                    


One week had passed nanaman at hindi parin mawala sa isip ko hanggang ngayon ang pagtatapat ko nang nararamdaman ko kay Karina, hindi naging malinaw sa'kin ang gabing 'yon dahil wala naman siyang sinabing pag-rereject pero wala ring acceptance doon.


sabi niya lang kasi..


I--I don't know what to say, but..we're free to feel that” aniya bago ako iwan sa labas na nakatulala sa kawalan


Hindi agad na process ng utak ko ang sinabi niya para kasing nakalutang lang ako nun.


Sa linggong dumaan na 'yon ay hindi ko na siya nakikita o naaabutan manlang sa apartment niya dahil locked o di kaya'y nandoon lang siya sa loob, gusto ko sana mag sorry baka kasi naging uncomfortable siya simula nung pag-amin ko kaso parang kapag ginawa ko naman baka sabihin niya pinagtitripan ko lang siya.


Inabala ko nalang ang sarili ko sa paglabas kasama sila Gi at iba pa naming mga kaibigan dahil nga nabitin daw sila sa inuman session namin dito sa apartment nung last week, okay narin pala sina Ryu and Yeji at napaliwanag narin nung Jiwon ang side niya.


ni-clear out niya narin sa aming lahat lalo na kay Ryujin na hindi niya gusto si Yeji at gusto niya lang raw makipag-kaibigan sa amin, sinabi niya rin na mataray talaga siya but when we starts to know her better masasanay naman daw kami, may pagka jolly at napaka hyper niya. 'Wag mo lang babanggain dahil hindi raw siya aatras.


Alam narin nila Gi at Ryujin ang tungkol sa nararamdaman ko kay Rina at sa pag-amin ko, pero wala silang dulot dahil inasar asar lang nila ako. Hindi manlang nag comfort, mga fake friends.


Natinag ako sa pagmumuni-muni sa bintana nang mag vibrate ang phone ko, hindi ko alam kung bakit bigla nalang pumasok sa isip ko na si Karina 'tong tumatawag pero napaka assuming ko naman, si dad lang pala.


hello?” sagot ko sa mahinang boses


how's life, anak?


okay lang dad hehe..” alam kong peke ang naging pagtawa ko pero sana hindi niya 'yon mahalata


are you sure? kamusta ang pag-pafile mo nang resume's? any update?” tanong niya, oo nga pala isa rin 'yon sa pinagka-busyhan ko dahil nga balak ko nang magtrabaho kaya nagsesend ako ng resume's through online sa mga company.


hmm, wala pa po..


matutulog kana ba?” kinusot ko ang mga mata ko at medyo inaantok narin, alas onse narin kasi ng gabi

Medyo, kayo dad..you should rest na, i'm doing great here especially with my friends!

Okay, i just missed you and also zero..dadalaw nalang kami ng ate mo diyan kapag nagkaro'n ng free time.


sige po, goodnight dad..pa kiss nalang kay mama para sa'kin.” natawa siya nang mahina bago ibaba ang telepono.


kung sana nandito pa siya, meron pa sana akong pagsasabihan at siya lang ang nakakaintindi sa'kin pagdating sa mga bagay na involve sa'kin. Si mama 'yon, naaksidente siya three years ago at yun ang naging cause niya ng pagkamatay. Dad decided na i-cremate siya dahil ayun rin ang gusto ni mama para raw may maiwan sa amin na alaala niya kahit abo nalang.



Makatulog na nga lang, inayos ko na ang kama ko saka nahiga rito





Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa baba, sigurado akong sina Ryujin 'yon dahil sila lang naman ang kasama ko rito..




Into You (Completed)Where stories live. Discover now