07

243 9 1
                                    

Comfy feelings

Winter? are you listening?” natinag ako ng malakas na pagtatanong ni Karina


We're here sa apartment niya dahil niyaya niya ako para turuan raw siya kung paano magluto, hindi ko nga alam ang lakas lang ng trip niya nanaman.



Nitong mga nakaraan kasi ay lagi akong tulala o kaya naman nagmumukmok sa kwarto at sabi naman niya namimiss na niya raw 'yung luto ko, 'diba? luto lang pero hindi ako, ayaw niya lang talagang aminin pero alam kong namimiss niya ako. Nakakaganda ang pagiging assuming.




Until now, hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Somi sa'kin nung nakaraang linggo. Kinabukasan nun ay parang bumalik nanaman ako sa sarili kong walang pakialam at walang ganang mabuhay, hindi ko alam pero malaki talaga naging impact sa akin nung mga sinabi ni Somi at ang babaeng nakita namin sa mall no'n.


Araw araw rin akong nandito kila Karina dahil kinukulit niya ako na turuan nga siya, pero hindi naman ako tanga para hindi mapansin na gusto niya lang akong libangin dahil nga napapansin niya rin na simula pa nung gabing magpunta kami sa pasyalan ay naging tahimik ako.


Win?


kaagad ko siyang nilingon “huh?


Winter, come on..turuan mo na 'ko how to cook this!” demanding niyang saad


Ewan ko ba sa'yo, pwede namang manood sa internet ng tutorial!” asik ko, kaagad niya akong tinaasan ng kilay



okay, nakakatakot siya.


yes, you're right..but it would be better if you teach me


teach me how to dougie?biro ko


I'm serious here!” aniya na mukha na nga talagang seryoso dahil sa pagkakakunot ng noo niya


Ang sarap niya kasing asarin, natatawa ako lsgi sa reaksyon niya tapos ang bilis niya ring mainis o mairita kaya doon na ako titigil kapag nagiging pusa na siya.


napabuntong hininga muna ako bago siya nagawang balingan “I'---



Winter!?” hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang may sumigaw ng name ko sa labas ng apartment ni Karina, i'm sure na si Somi 'yon.



These past few days ay napagkasunduan naming dalawa ni Somi na hanapin ang doppelganger ni Minju o kung saan siya nag s-stay at kaming dalawa lang ng pinsan ko ang nakakaalam dahil ang dalawa naman naming kasama sa apartment ay walang idea kung sino si Minju sa buhay ko kaya hindi ko na muna sasabihin sakanila itong plano namin ni Somi.


Si Somi ang pumunta sa amusement ulit dahil baka raw makita niya do'n ang babae kahit na walang kasiguraduhan, nainis pa nga ako dahil nagkaroon naman na sila ng chance na makapag-usap ng kamukha ni Min hindi niya pa kinuha ang contact nito.



Almost one week na ang ginagawang pagpunta ni Somi sa shopping hall kung saan namin siya nakita pero hanggang ngayon ay wala parin daw siyang nakikitang bakas nung babae doon.


Si Somi ata, puntahan ko lang


I'll go with you!” hindi ko nalang pinansin ang pagsunod niya sa likod ko habang tinutungo ang sala niya


mabilis kong binuksan ang pinto at nakita ang tatlo na nasa labas..



Winter, we need to talk..I have an update!” mabilis na pagkakasabi ni Somi at kaagad kong nakagat ang pang ibabang labi ko dahil muntikan na siyang madulas, bakit naman kasi update ang binanggit niya!



Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon