☪️ CHAPTER 57☪️

1K 55 7
                                    

HELLIA POV:

Nakasunod lang ako kay HM at hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit kailangan pang kausapin ako in private.

Napahinto s'ya at ganon din ako na medyo malayo sa mga istudyante at mga nagbabantay sa aming mga naka-men in black.

"Ano po ang pag-uusapan na'tin HM?" straight to the point kong tanong at nakita ko naman na naging seryoso ang kaniyang mukha na ikinakaba ko.

May kasalanan ba ako o may ginawa akong mali? Grabe nakakatakot pala yung lolo ni Itlog kapag nagseseryoso pero yung itlog na 'yun kapag nagseryoso . . . . mukhang itlog pa rin.

"Siguro alam mo naman 'yung sa pagitan ng Academy natin sa Tylexian Academy, hindi ba?" napakunot ako ng noo sa sinabi ni Head Master sa akin.

Oh anong kinalalaman ko doon? Kung may away sila wag nila ako idamay dahil wala akong alam sa ayaw nila ang alam ko lang karibal lang sila at hindi ko alam kung ano pinag-aawayan nila.

"Ang pagkakaalam ko lang HM ay magkaribal lang kayo at hindi ko alam kung ano pinag-aawayan n'yo." napakamot ako ng batok.

"Ito po ba ang pag-uusapan na'tin?" tanong ko.

Ito lang pala 'yung pag-uusapan namin eh bakit kailangan pa talagang i-private kung alam naman ng mga istudyante ang tungkol doon? So, wala na silang paki-alam kung ikwento sa'kin ni HM, diba?

"Oo..." seryosong sagot n'ya, "Three years ago sinugod ng Tylexian ang Academy natin." panimula ni HM.

Three years ago?? Parang naikwento na'to sa akin kanino ko ba narinig 'yun parang kahapon ko lang narinig ang salitang 'Three years ago.'

"Ang Head Master nila ang pasinuno nito na si Anthony Suarez isa siyang Doctor na mas kilala siya dati sa pangalan na Calix dahil siya ang Private Doctor ng mga Livingstone at kasama ito sa organization ng Mafia ngunit dahil sa kapabayaan niya ay tinanggal siya sa organization ng King." biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng binanggit ni HM ang 'Livingstone'.

Teka . . . paano nadawit ang apilyedo ng pamilya namin? Hindi, baka ibang Livingstone ang tinutukoy ni HM.

Alam kung gumagamit ng baril si mom and dad pero para ito sa safety purposes dahil madaming gustong pumatay sa kanila dahil sa dami naming hawak na kompanya.

"Bakit po siya tinanggal at ano pong kinalaman ng Academy natin sa pagkatanggal niya?" nalilito kong tanong at nag indian sit sa lupa dahil nangangalay ako sa pagtayo kaya nakatingala ako kay HM dahil nakatayo siya.

"Dahil gusto niyang maghigante sa mga Livingstone dahil ang paaralan natin ay nasa ilalim ng pamumuno ng Livingstone. Nagpatayo siya ng sariling paaralan at ginagamit niya ang mga studyante para sa paghihigante niya. Maraming namatay sa war na iyon at maraming istudyante ang nawala dahil sumanib sila sa kabilang Academy ngunit kahit ganon ay nanalo parin ang Academy natin sa tulong ng Queen at King . . ." napangiti ako sa kwento ni HM may parte sa akin na gusto kong makilala ang Queen at King ngunit sino ba naman ako, diba? HAHAHA.

"Ngunit, mukhang nagbabalak na naman si Anthony na makuha at mapabagsak ang Academy na'tin kaya mag-ingat ka." napatayo ako sa sinabi ni HM.

"HAHAHA ano ba kayo HM hindi naman ako ang target nila kasi wala naman akong kinalaman sa ayaw ng dalawang Academy." natatawang sabi ko.

May kuya naman ako na kaya akong ipagtanggol kung sakali man na saktan nila ako hindi ko naman kaya ipagtanggol ang sarili ko dahil wala akong alam sa pakikipaglaban. Ang pagsusungit ko lang ata ang ambag ko sa mundo.

"Hindi Miss Coper dahil mukhang natitipuhan ka ng Anthony na i—."

"Yuck! HM ang tanda na nun." putol ko sa sasabihin n'ya pero agad naman akong binatukan ni HM. Aww!

"Ikaw na bata ka patapusin mo kasi ako sa pagsasalita hindi 'yung sisingit ka!" inis na sabi nito kaya napabusangot ako habang tumatango. Feeling close si HM.

"What I mean is natitipuhan ka ng Anthony na 'yun para sumanib sa kanila mukhang may nakikita siya sayong kakaiba which is true naman pero hindi ko mawari kung ano maliban sa pagiging matapang at masungit tuwing kausap ang apo ko."

Stalker ata lolo ni Itlog alam na alam niya na sinusungitan ko ang anak niya.

"Walang kakaiba sa akin HM tsaka yun lang po ba ang sasabihin n'yo sa akin na mag-ingat ako sa kabilang Academy? Don't worry po hindi ko type ang academy nila mas gusto ko na dito sa Academy na pinasukan ko." nakangiting sabi ko.

Nawawala na sa isip ko ang salitang pagtakas. Hindi ko alam pero may nagsasabi sa'kin na 'wag muna akong umalis.

"Great choice Miss Coper buti naiintindahan mo. Sige na marami pa tayong gagawin sa araw na ito." tumango ako at tinalikuran si HM.

"Ms. Coper." napahinto ako at nilingon si HM. "About sa isang tanong mo kanina. . ." nag pause siya kaya hinintay ko ang sunod niyang sasabihin na ikinanginig ng katawan ko sa hindi malamang dahilan.

"Natanggal siya dahil pinatay n'ya ang ikalawang tagapagmana."

-

"Oyy Pretty Hellia ano nga pinag-usapan ninyo ni HM?" pangungulit ni Nine sa akin habang inuntog-untog ang sarili sa akin parang baliw eh.

"Wala lang 'yun, alam n'yo naman tungkol doon eh." sagot ko habang nakaupo ako sa isang log.

Naka-upo kasi kaming apat dito sa log, ako, si Nine, si Charlie at si Moonia. Sabi ng prof namin magpahinga muna kami ng 30 minutes bago magsimula ang mga ipagagawa nilang aktibidad sa amin.

"Eh ano nga 'yun?" palihim akong naparoll eyes bago sumagot.

"Tungkol sa ayaw ng Tylexian Academy at Serpent Academy." simpleng sagot ko.

Kumunot naman ang noo nila sa sagot ko. Oh ano naman? Sinagot ko na tanong nila noh.

"Weh? Yun lang ba eh bakit kailangan in private? Alam na kaya 'yan ng mga istudyante maliban sa inyo ni caden dahil bago lang kayo." Singit ni Charlie.

Haist kung alam n'yo lang na gan'yan ang ang iniisip ko.

"Aba malay ko itanong n'yo kay HM bakit n'yo sa akin tinatanong?" nakapoker face at may pagkasungit na tono na pagkakasabi ko.

"May period ka ba ngayon lia ang sungit mo kase e. Ok ka naman kanina bago kayo nag-usap ni HM." tanong ni moonia kaya napahilot ako ng ulo ng biglang sumasakit ito.

Argh! Pisteng ulo to lagi na lang sumasakit.

"Pasensiya na." malalim akong pabuntong-hininga.

"Baka nagugutom ka na Lia kasi hindi mo na kinain yung pagkain mo kanina." napatingin ako kay Moonia ng sinabi niya 'yun.

Kaya pala parang nanghihina ako dahil wala akong kinain na breakfast kapag gutom ako minsan naiinis ako sa mga kausap ko kahit gusto kong makipag-usap ng maayos.

"I brought your food." napatingin kami sa likuran ko sa taong nagsalita at nakita ko si Itlog na may dalang pagkain.

'Anong nasinghot na hangin nito at may dala pa siyang pagkain para sa akin.'

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now