☪️CHAPTER 43☪️

1.6K 98 23
                                    

HELLIA POV:

Dideretsyo na sana ako papasok sa loob ng bus ng napahinto ako ng napalingon ako at nakita sina HM na may kausap na lalake habang naglalakad.

"Sinasabi ko sayo Anthony wag-"

"Wag kang mag-alala Jeremy kung may balak akong manugod edi sana kanina ko pa pinatumba ang bus nyo habang nagbabyahe kayo." sabi ng isang lalake habang nakangise.

May pakiramdam ako na hindi sya ordinaryong tao at... teka.. parang may kamukha sya na kilala ko hindi ko lang mawari kung sino.

"Pina-aalalahanan lang Anthony."

"Hayst masyado kang nag-oover think jeremy." sabi nito kay HM sabay tapik nya sa balikat nito.

Tinalikuran nya si HM at nadaanan nya ako kaya bigla syang huminto sa harap ko na ikinataka ko ngunit binigyan ko na lamang ng half smile kahit na pinag-aaralan nya ako mula ulo hanggang paa.

"May problema po ba manong?" tanong ko sa kanya na ikinatigil nya.

"Manong?" kunot noong tanong nya na ikinatango ko.

May humawak naman sya kanyang balikat. "HAHAHA." tawa ni HM. "Pasensya ka na Anthony bago lang kasi itong si Ms.Coper kaya hindi ka nya kilala." natatawang sabi ni HM at tumabi sa akin.

"Tsk." Biglang umalis si manong na ikinataka ko. Bakit parang galit sya may nagawa ba ako?

Humarap ako kay HM. "May nagawa po ba ako HM kaya po sya umalis?" curious kong tanong na ikinatawa nya ng malakas.

"Wala ija HAHAHA sa susunod na magkita kayo manong padin ang tawag mo sa kanya, okey?" tumango lang ako kahit wala akong naintindahan.

"Oyy babaita bakit nandyan ka pa? Kupad mo talagang kumilos." sabay kaming napalingon ni HM kay Zero na nakatayo sa harap ng pinto ng bus.

"Bakit ba galit na galit ka itlog? Pumasok ka na lang kaya sa loob at umupo." inis kong sabi sa kanya.

"Abat! may gana ka pang sumagot sa master mo." master my ass, tsk.

(Role eyes)*

"Tsk, laki ng problema mo sa mundo." bulong ko. Kanina pa to porket na slave nya na ako eh may karapatan na syang mag-galit-galitan kaya mas lalo syang pumapangit eh.

"Ms. Coper pumasok ka na sa loob dahil paalis na ang bus. Mag-ingat kayo habang nasa byahe hanggang makarating tayo sa paroroonan natin." sabi ni HM.

"Opo, salamat po." nakangiteng saad ko at yumuko sa kanya bago humarap muli kay itlog at nginiwian sya bago pumasok ngunit tinulak ko muna ang balikat nya dahil nakaharang sya sa pinto.

Hindi ako takot kay HM kahit makita nya pang saktan ko si Itlog parang wala lang sa kanya tsaka napaka-harmless si HM yung tipong hindi makabasag-pinggan kasi palaging nakangiti.

Umakyat ako sa taas at paupo na sana ako ng nakita ko si kuya na nakatingin sa akin.

Hindi ko sya pinansin at pinang-sawalang bahala ko na lang saka ako umupo. Ito ang unang pagkakataon na nanakit si caden, sanay na akong magalit sya sa akin pero yung tipong nananakit na hindi eh.

Galit ako sa kanya ngayon.

"Little tiger ito na yung foods mo." napaangat ako ng ulo.

Si Damion pala na hawak ang pinamili ko na agad ko naman itong kinuha.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now