☪️ CHAPTER 4☪️

3.9K 151 2
                                    

Hellia POV:

"HOY! MATANDANG HUKLUBAN NANDITO NA YUNG PINAPASUNDO MO!" napangiwe ako sa ginawa nya dahil sinisipa-sipa nya ang pintuan.

Walang kamay lang? Putulin ko kaya lahat ng mga galamay nito.

Ganito ba talaga dito? Mga walang galang sa nakakataas at nakakatanda.

"IKAW TALAGANG BATA KA WAG NA WAG MO AKONG TATAWAGING MATANDANG HUKLUBAN!" Reply naman nang nasa loob.

Sa tingin ko ang HM yun, tumingin naman ako dito sa hambog. Hmm mukhang close sila ng HM pero pake ko sa kanya.

Mabilis akong umiwas ng tumingin sya sa akin.

"Papasukin mo na sila Zero." utos ng HM sa loob.

Prfff Zero pala ang name nya kaya pala parang wala lang sa kanya ang lahat.

"Wow ang ganda naman ng name natin ah." sarcastic kong pang-aasar sa kanya habang nakacross arm.

"Hellia." warning na tawag sa akin ni caden.

Naiinis parin ako sa hambog nato kanina pa, kaya mang-aasar din ako. Yes I'm a brat pero sa mga taong ganitong ugali.

"Tsk. Kung mang-aasar ka di yan gagana sa akin kaya mas galingan mo pa, ok?" sabi sya sabay smirk sa akin.

Di bagay sa kanya ang pag-smirk, ang pangit nya.

Hinawakan naman ni Caden ang kamay ko at sya mismo ang nagbukas ng pinto saka kami pumasok. Buti na lang hawak ng isang kamay ko ang gamit ko baka may kumuha pa nito sa labas.

"Hellia wag mo na syang aasarin diba sabi ko sayo makinig at sumunod ka sa ipag-uutos ko?"

"Eh hindi naman sya ang na-" napatikom ako ng bibig ng nakita kong cold ang expression ni Caden.

"AHEM!" napatingin kaming pareho sa isang lalakeng nakatayo. Tumingin ako sa isang plate name na nakapatong sa lamesa.

'Jeremy Dion The Head Master' basa ng mga mata ko.

"Oww what a pretty face." manghang nakatingin sa akin ng HM.

Ngumite ako at nagbow sa kanya at nag thank you ng humarang naman sa harapan ko si Caden na ikinataka ko.

"HAHAHA protective. By the way where's your requirements?" tanong nya sa amin.

Kinuha naman namin ni kuya ang mga requirements sa aming gamit at sabay binigay sa HM.

Nakatingin lang kami sa HM habang binabasa ang mga requirements namin.

"Hmm ok. So, kayong dalawa ay magkapatid?" tanong nya at tinuro pa kaming dalawa.

"Obviously." sagot naman ni kuya.

"Magkapatid pala kayong dalawa akala ko mag-jowa." napatingin kami sa likuran namin.

Isang hambog nakasandal sa gilid ng pintuan. Akala ko ba'y nakaalis na to eh bakit nandito pa to?

Tsaka ano daw? magjowa kami ni kuya? Prrfff nakakatawang biro naman nun.

"Ikaw bata ka bakit nandito ka pa?" tanong ng HM sa kanya.

Oo nga agree ako kay HM bakit nandito pa sya? Nakakabanas yung pagmumukha nya.

"Matandang hukluban baka nakakalimutan mong lagi akong nandito." hambog talaga.

Napansin ko naman ang susi na pinapaikot sa kanyang daliri. Ang ganda naman, ibang klaseng susi ang hawak nya pero tsk wala akong pake.

Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now