☪️ CHAPTER 22☪️

2.2K 97 0
                                    

HELLIA POV:

Naayos na yung pintuan namin at ngayon nasa hapag kainan na kami kasama si kuya pati yung kasama nyang lalaka na si Mike.

Iwan ko lang ah pero parang ang clingy ni mike sa akin.

"Ito Lili ang kainin mo masarap yan." sabi ni mike sabay lagay ng isang kutsara ng ulam ng menudo sa plato ko.

Ito pala yung lalakeng dumaan kaninang umaga sa corridor pagkatapos umuwi si moonia.

"Talagang masarap yan si Hellia ang nag luto yan eh." nakapikit at nakacross arm na saad ni Nine.

Kung hindi lang talaga kaibigan ni kuya si mike siguro kanina pa ako nakalayo sa kanya ang creepy kase HEHEHEHE.

"Ayy ikaw ba? HAHAHAHA pasensya na ang sarap mo pala magluto." puri nya sa akin na nginitian ko na lang sabay tingin kay caden.

Nagpipigil hininga si caden na halata mo sa kanya na pinipigilan nya yung inis nya. HAHAHA mukhang nahihiya sya sa ginagawa ng kaibigan nya.

"Mike kumain ka na lang huh wag mo na gamitin ang pagkain sa kalandian mo kaya ikaw hellia wag kang lalapit dyan ah babaero yan."

Bakit pati ako nadamay whaaa huhuhu.

"Ang pangit naman na impression mo sa akin sa kapatid mo, gusto ko lang naman ng closure." naka pout na sabi ni mike sabay subo nga.

HAHAHA parang naging unggoy tuloy sya HAHAHA.

"Gusto mo closure?" madiin na tanong ni Caden.

"Baka gusto mo nang closure sa hawak kong tinidor." napalunok naman si mike kaya napatingin ako sa hawak ni caden na na ang higpit ang hawak sa tinidor.

Tinutorture nya yung pagkain na niluto ko (╥_╥).

"Wag naman kayong bastos sa harapan ng pagkain niluto ni pretty hellia yan tapos babastusin nyo lang." singit ni Nine at nagsimula nang kumain.

Whaaa thank you nine love na kita.

"Hehehe oo nga kain na tayo." agree ni mike.

Nanginginig yung kamay nya habang sumusubo pero binaniwala ko lang baka ganon talaga sya kumain. May sakit ata ng epilepsy.

-----------------MORNING---------------

CRING* CRING* CRI-

Agad kong pinatay ang alarm clock tsaka umupo nang napilitan at nag stretch-stretch ng katawan habang nakapikit.

"Good morning." agad akong napamulat at napaatras sa kinauupuan ko.

"What the!? anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong sa kanya.

Nakaupo sya sa paanan ko habang nakatingin sa akin. Dumaan na naman sya sa bintana? Nagmumukha tuloy syang Assassin o baka naman member sya ng assassin.

But kagabi ba ako nito binabantayan o kakarating nya lang? Whaaa baka tulo laway pa ako nakakahiya.

Napunas-punas naman ako ng aking mukha at nakahinga naman ako ng maluwag kasi walang panis na laway.

"HAHAHA don't worry wala kang panes na laway princess and to answer to your question nandito ako to make sure na papasok ka." he said. 

Naririnig ko na naman ang pagtawag nya sa akin ng princess. Bakit nga ba nya ako tinatawag na princess eh hindi naman princess ang pangalan ko.

Wait... papasok nga pala ako. Dali dali naman ako bumaba ng kama at sya naman ay nakaupo parin. Hinila ko ang towel na nakasampay katabi ng salamin at  lalabas na sana ng kwarto pero bumalik ako sa kanya nang may naalala ako.

"Ano pala ang pangalan mo?" tanong ko na ikinatawa nya ng mahina.

"Flynn... Flynn Windsor." sagot nya na ikinangite ko.

"Hellia Li-coper... Hellia Coper. Yan pangalan ko hindi princess ok? Sige bye." sabi ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

Nakita ko naman si Nine na kakalabas lang ng CR.

"Good morning Pretty Hellia." bati nya nang pagkakita nga sa akin.

"Good morning." tugon ko at nagmamadali akong pumasok sa loob ng CR.

Pagkabalik ko sa kwarto ay wala na sya buti naman baka gusto nya pang panuorin akong magbihis. Kadiri geezz.

"Pretty Hellia tara na!" sigaw sa labas ni Nine saktong tapos na ako magbihis.

"Ok!, Sandali!" balik ko sa kanya saka kinuha ang bag ko sa kama at lumabas ng kwarto.

Sabay naman kaming lumabas ng dorm at nagulat ako nang bumungad sa amin sina caden at mike.

"Hello Good morning." bungad ko sa kanila.

"Good morning lili!" hyper na tugon sa akin ni mike at yayakapin nya sana ako ng inakbayan agad ako ni caden at ang isang kamay nya ay nasa mukha ni mike na pilit lumalapit sa akin.

"Wag kang lumapit sa kapatid ko wala ka pang ligo." walang emotion na sabi ni kuya.

"Ano?" tanong ni mike at inalis ang kamay ni caden sa mukha nya.

"Tol di mo ba nakikita tong buhok ko? Tingnan mo basa oh basa." pinagdidiinan pa ni mike na basa ang buhok nya.

Lagi na lang kontra ni caden si Mike pero mas magiging excited kong magiging sila noh HAHAHAHA pero kawawa naman si nine kung magiging couple si caden at mike hehehe.

"Binasa mo lang yan sa may lababo. Tara na hellia wag kang lalapit sa kambing ok?" napatango naman ako dis-oras.

Dahil naka-akbay sa akin si caden ay napasabay ako sa paglakas nya.

Napatingin naman ako kay Nine at natatawa ako sa reaksyon nya.

"Ano ba!? Gusto mo bang mamatay huh?! Wag ka lalapit sa akin." inis na sabi ni nine kay mike.

Pano ba naman kase inaakbayan ni mike si nine at si nine naman inis na inis sa ginagawa ni mike.

"Bakit? Ang arte mo naman. Di ka ba naiingit sa kanila? Ang sweet nga nilang magkapatid tutal magkapatid naman tayo gayahin natin sila." sabi ni mike at pilit na umaakbay kay nine.

What? Magkapatid sila? Eh bakit sila magkahiwalay kasi si nine sa savior tapos si mike sa lower eh kasi mag kaklase sila ni kuya eh.

"Tanga di tayo magkapatid mag pinsan tayo." bara ni nine. Ay magpinsan pala.

"Ganon din naman yun magkadugo parin tayo." nagkibit balikat na lang ako sa kanilang dalawa at pinagpatuloy ang paglalakad.

Nangmalapit na kami sa building namin kaya humiwalay na sa amin ni Nine. Tinanggal ko naman ang braso ni caden na kanina pa nakakaakbay sa akin. Hinawakan ko na lang ang kamay ni caden at pumasok sa building namin.







Emperor's Obsession (Hiatus)Where stories live. Discover now