☪️ CHAPTER 31☪️

1.9K 118 24
                                    

HELLIA POV:

"AND NOW DARCO ALTURA AND MARGA SLAY VS. HELLIA COPER WITH HER PARTNER.... MOONIA MOORE!!"

Lumabas ang mukha namin ni Moonia sa screen, sabay kaming napatingin ni moonia sa isa't isa na katabi ni Caden. Nakatingin kami na may pag-aalala sa isa't isa hindi ko alam kung marunong si Moonia makipaglaban di tulad ko.

Tumayo kaming dalawa at hinawakan ko ang kamay ni moonia.

"Hellia/ Pretty Hellia." nag-aalalang tawag sa akin ni nine at caden kaya napatingin ako dito.

"HAHAHA ano ba kayo ok lang kami di kami mamamatay wala naman kayong nakitang namatay simula kanina diba?" nakangiting tanong ko pero tiningnan lang nila ako na parang ako ang pinakawawa sa lahat.

Hayst itong dalawang to nag o-over think. Kung mamatay man ako edi ok lang HAHAHA basta iiyakan ako ni Daddy sa lamay ko.

"Ano ba yan!? Ako bahala kay Lia marunong ako makipaglaban at depensahin sila sisiguraduhin kong hindi masasaktan si lia." kampante na sabi ni Moonia.

Tiningnan ko sya at nakita ko ang moonia na matapang at walang takot na nakatayo sa harap namin.

Aangal sana ako sa sinabi ni moonia pero tinulak-tulak nya ako para bumaba na papunta sa arena. Sinulyapan ko naman ni nine at caden na ganon pa din ang mga mukha nila tulad kanina.

"Moonia depensahan mo lang ang sarili mo wag mo na akong intindihin." sabi ko dito ng nakababa na kami.

"Hindi, kaibigan kita kaibigan mo ako wala ka pang alam sa labanan kaya responsibilidad kong ingatan ka at iligtas." seryosong sabi nya.

Nanginginig akong niyukom ang kamay ko. Bakit wala akong silbi sa mundong to?

Napayuko ako. "Kahit anong mangyari hayaan mo lang akong depensahan ang aking sarili." sabi ko at inangat ang aking ulo at ngumite sa kanya na ikinagulat nya.

"Lia." nag-aalalang tawag nya pero hinawakan ko lang ang kamay nya.

Nasa gitna na kami ng arena at katapat namin ang makakasangga namin na si Darco yung lalaking malaki ang katawan na kinibnap ako para dalhin kay itlog at si Marga na hindi ko kilala.

Si darco nakasuot ng black na pang-gangster talaga ang outfit which is hindi naman bagay sa kanya dahil ang laki nya samantala si marga parang katulad kay cat woman na labas dibdib, parang watermelon ang laki.

Napangiwe ako ng binuhat nya ito habang nakatingin sa akin at binitawan para umalog. Nagsihiyawan naman ang mga tao sa loob ng battle arena.

"Lia mukhang pinapahiwatig nya sayo na maliit ang pakwan mo." bulong sa akin ni moonia.

Anong pakwan? Yung boobs ba?

"Wag kang mag-alala mas malaki yung akin kaysa sayo hangga't may nakikita akong maliit ay alam kong malaki ang akin. " bulong ko din habang nakatingin sa dalawang tao na sa harap namin.

"Lia naman eh." takmol nya na ikinatawa ko ng mahina.

"Hoy! kayong dalawa, anong tinatawa-tawa nyo dyan?" Tanong ni darco sa amin.

"Bakit hindi ka tumawa kung naiingit ka?" Moonia.

Nainis naman si Darco at tiningnan nya kami na parang pinagbabantaan na humanda kami sa kanya mamaya.

Emperor's Obsession (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon