☪️ CHAPTER 45☪️

1.2K 85 15
                                    

THIRD PERSON POV:

Paakyat na sana sila Hellia ng napalingon sila sa pinaggagalingan ng tunog at nakita nilang lahat ang sunod-sunod na pagdating ng mga bus mula sa Tylexian Academy.

"Ang mga Tylexian Academy na naman." inis na sabi ni Mike at umayos itong tumayo.

Habang si Hellia ay nagtataka sa mga kilos ng mga kasamahan nya, alam nyang karival nila ito pero mukhang galit na galit sila sa mga ito eh mukha naman mababait sila.

Nagsibabaan ang mga istudyante at lumapit ang HM ng Tylexian Academy na katabi ni mateo sa Serpent Academy.

Magkatapat ngayon ang Tylexian at Serpent Academy na ngayon puno ng tension ang namamagitan sa kanila.

"Ano na naman ito Anthony?" madiin na tanong ni Jeremy sa kanya.

"Oww! I'm sorry Jeremy hindi naman namin alam na dito din kayo magcacamping." gulat na sabi nito na tila mo'y nang-aasar.

"Alam nyo coincidence yung pagkasabay natin sa daan pero hindi na coincidence na iisa lang ang venue ng pagkacampingan natin. Sabihin nyo nga may binabalak na naman ba kayo?" seryosong sabi ni nine habang nakacross-arm.

Bumaba si Hellia kasama si moonia at pumunta sa likuran ni nila nine.

"Wala kaming binabalak gusto lang ng Academy namin na mag-outing." sagot ni mateo kay nine at tumingin kay Hellia na nasa likuran lang ni nine.

"Wag nyong sabihin na gusto nyo din kami kasama? Huh! Hindi namin alam na pagkalipas ng tatlong taon nagiging attractive kami sa inyo." sabi ni Damion na ikinangiwe ni Hellia.

'Yabang talaga kahit kailan.' sa isip nito.

"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo Emperor Damion kahit isang tuldok dyan sa KATAWAN MO hindi ka nagiging attractive." bara ni Kerel na ikinatawa ni Hellia kaya napatingin sa kanya ang lahat.

Mukhang napansin naman nyang maraming nakatingin sa kanya kaya napatigil ito sa pagtawa at tiningnan nya ang mga nakatingin sa kanya.

"Ahem! Bakit?" inosenteng tanong nito.

"Luhh ang ganda nya."

"Ngayon ko lang sya nakita sa Academy nila."

"May tinatago pala silang beauty sa Academy nila."

"Ako lang ba? O talaga may kamukha lang sya."

"Para syang bagay... bagay na pagmamay-ari ko."

"LOL lahat ng babae nakikita mo yan ang linyahan mo."

"Ija baka gusto mong lumipat sa Academy namin mukhang gustong-gusto ka nga mga istudyante ng Tylexian." alok ng HM ng Tylexian na si Anthony.

Naging alerto naman ang tatlong Emperor kasama si Caden. 

"Bagong istudyante sya ng Serpent kaya wag nyo siyang idadamay sa gulo." sabi ni flynn at iniyukom nya ang kanyang kamay.

"HAHAHA inaalok ko lang sya ijo walang masama doon." nainis naman sila sa tugon na ito.

"Sorry..." napatingin muli ang lahat kay hellia ng nagsalita ito at lumapit sa unahan kung nasaan si Anthony.

"Sorry po manong kakalipat ko lang po ng school tapos lilipat po muli ako? Bawal po yun pero salamat po sa opportunity manong." nakangiteng saad ni Hellia at sya'y nagulat ng biglang tumawa ang mga kasama nya maliban sa apat na biglang ngumite.

"HAHAHA manong ampt." Mike

"Kung sabagay mukha naman syang matanda." Nine

"HAHAHA ginawa kang driver na manong." Charlie

"SHUT UP!" galit na sigaw ni Anthony.

"You! Hindi mo ba nakikita na isa akong HM ng Academy ko." duro ni Anthony kay hellia. Napatitig naman si hellia sa daliri na nakaduro sa kanya.

"Gusto mo bang durugin ko ang daliri mo ng pino?" nakangiti pero nakakatakot na tanong ni hellia na sila lang nakakarinig at biglang nagglitch ang kanyang mata dahilan na manginig si Anthony at dahan-dahan na ibinaba ang kanyang kamay.

Bumalik naman si Hellia sa kanyang pwesto at parang napapansin ng iba na parang namumutla si Anthony at nanghihina ito.

"Oh mukha nagkakaroon ng diarrhea ang HM nyo humanap na kayo ng gubat at gawin nyong palikuran." Pang-aasar ng ni Jeremy kay Anthony.

Humarap naman si Jeremy sa mga siyam na bata.

"Sige na magsimula na kayong lumarga." utos ni Jeremy sa kanila kaya sumunod naman ang mga ito ngunit nagpaiwan si Zero na masama ang tingin sa mga Tylexian Academy.

"Wag nyo na susubukan lumapit ni isa sa mga istudyante ng Serpent lumayo kayo ng limang metro mula sa kanila or else isang metro palang sabog na mga bungo nyo." malamig nyang tugon sa mga ito sabay tingin kay mateo na nakatingin din sa kanya.

"Subukan mong lumapit kay Hellia patay ka sa akin." banta nito at nagsign pa itong eye to eye.

"Tsk." dugtong nya saka itong tumalikod sa kanila at sumunod sa mga kasamahan nya na nauna na sa kan'ya.

"HM bakit po namumutla kayo totoo po bang natatae kayo?" tanong ni maky pagkaalis ni zero na agad naman ikinatayo ni HM.

"Shut up! Hindi ako natatae." depensa naman ni HM Anthony sa kanyang sarili. Inayos nya naman ang kanyang sarili para hindi syang magmukhang haggard.

"Eh bakit po pinagpapawisan po kayo tsaka namumutla?" tanong naman ni kerel.

Naku-curious ang dalawa kaya inuusisa nilang dalawa ang HM dahilan na nairita sa kanila ang HM.

"Tumahimik kayong dalawa!" napatahimik ang dalawa dahil sa pagsigaw ng HM sa kanila.

"Nakakita ako ng Empyerno." mahinahon na saad ni Anthony.

Nagulomihanan naman ang dalawa at nagkibit-balikat na lang dahil iniisip nila na babaliw na si Anthony.

Hinawakan naman ni Maky ang balikat ni Anthony kaya napatingin dito si Anthony at kinunutan nya si Maky.

"HM itae nyo na lang po yan mukhang nababaliw na kasi kayo." sabi ni maky sabay iling-iling at iniwan si Anthony ng nakanganga.

Umakyat na sa taas ang tatlo na sina maky, kerel at mateo sumabay naman ang iba sa kanila habang si Anthony ay natauhan sa sinabi ni Maky.

"P*ta hindi ako nababaliw! Teka saan na kayo?!" tanong nito ng napansin nyang wala si maky at kerel napatingin naman sya sa mga istudyante na sunod-sunod na umakyat.

"Teka! Hintayin nyo ako! Ako ang Head Master nyo!" sigaw nya at tumakbo ito para makauna.

Samantala...

"Lia anong ginawa mo sa HM ng Tylexian Academy at nagkaganon sya?" tanong ni Moonia kay Hellia kaya napatingin si Hellia sa kanya.

"Huh?" taka nitong tanong sabay hinto sa pag-akyat.

"Wala naman akong ginawa sa kanya ni hindi ko nga sya hinawakan tsaka dapat nga ako namutla kasi dinuro nya ako at sinigawan." dugtong ni hellia at pinagpatuloy ang pag-akyat at si moonia naman ay napaisip sa sinabi nya.

"Oo nga noh, siguro kaya nagkaganon sya dahil na din sa katandaan." sabi ni moonia na ikinatawa ni Hellia.

"HAHAHA exactly."




Emperor's Obsession (Hiatus)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz